CHAPTER 9
You’re Fuckin’ Next, Bitch!ONE MONTH has passed, at sa loob ng isang buwan ay naging tahimik si Ivy. Hindi na nasundan pa ang biktimang si Megan.
Kaya umaasa siyang tumigil na ito. Pero kinakabahan pa rin siya sa kung ano ba ang pinaplano ng babae.
Pero hindi niya alam kung dapat ba siyang kilabutan, dahil sa pakiramdam na parang palaging may nanonood sa kaniya.
O, baka na-pa-paranoid na siya dahil sa pagkamatay ng dalawang babaeng konektado sa kaniya?
Ayaw niya nang problemahin pa ito, kaya isinubsob niya na lamang ang sarili sa pagtatrabaho.
And after ng last date nila ni Andy, gaya ng inaasahan niya, mas lalong naging makulit ang dalaga---at mapusok.
Nag-start na rin ang pasukan, kaya naging busy na rin ang dalaga sa pag-aaral nito. Pero araw-araw pa rin itong pumupunta sa opisina niya every lunch para sumabay sa kaniyang kumain---at para landiin siya.
Sadyang maharot ang dalaga, kaya hinahayaan niya na lang. Maski ang alkalde ay walang magawa sa kakulitan ng bunsong anak. Kaya sa halip na palayuin sa kaniya ang dalaga, binigyan na lamang ito ng dalawang bodyguard na nakabantay rito kahit saan ito magpunta.
Naiirita ang dalaga sa dalawang matipuno pero hindi guwapong lalakeng nakabantay rito, pero wala itong magawa. Kaysa naman sa ikulong ito ng ama nito mapalayo lang sa kaniya. Pinagtitiisan na lamang nito ang dalawang bodyguard.
Lunch time na, at gaya ng inaasahan niya, walang katok-katok na bumukas ang pinto ng opisina niya. Sanay na siya sa dalaga, at hindi talaga ito marunong kumatok.
“Hello, Baby. Missed me?” salubong nito, at saka maarteng lumapit sa kaniya at patagilid na naupo sa kandungan niya. Sanay na rin siya na sa tuwing darating ito, hindi puwedeng hindi siya ha-harass-in ng dalaga.
Pero hanggang ngayon ay naninibago pa rin siya sa ayos nito. Naka-psychology uniform na kasi ito, which is white uniform, pants and blouse.
Pero ang buhok nito ay palagi pa ring nakatirintas sa magkabilaang gilid.
Nasanay kasi siya na palagi itong naka-bestida. Pero aaminin niyang bagay rito ang suot na uniform.
“How were your studies?” tanong niya na lamang, hindi pinapansin ang mga kamay ng dalagang humahaplos sa dibdib niya.
“Ayon, nag-quiz na kami sa chapter 3 sa GenPsych,” sagot nito, bago sinimulang halik-halikan ang leeg niya.
Hindi niya alam kung ano na ba ang mayroon sa kanila ng dalaga, pero hinahayaan niya lang ito sa mga ginagawa nito sa kaniya. Ayaw man niyang aminin pero nagugustuhan na rin niya ang mga ginagawa nito.
“Chapter 3, the voyage through the life span, Psych 2nd edition ang gamit niyong book, right? By Spencer A. Rathus?”
Tumigil ito sa paghalik sa leeg niya, at saka siya nginisian.
“How did you know?”
“I have my own copy of that book, kaya natapos ko na rin ’yong basahin. And also, I have many acquaintances at Harmony State University. That’s why I know.”
Muling napairap ang dalaga. Umasa nanaman kasi itong interesado siya rito.
“Balik tayo. Have you perfected your quiz?” sa halip ay tanong niya na lamang.
“Almost. May isa akong mali,” walang gana nitong sagot, at saka isinandal ang ulo sa balikat niya na parang ngayon lang naramdaman ang pagod.
“That’s okay. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, nakaka-perfect tayo.”
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Misteri / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...