Prologue

8.2K 136 5
                                    

PROLOGUE

HATING gabi sa lungsod ng Crimson Wood. Habang tahimik na namamahinga ang mga mamamayan ng lungsod sa kani-kanilang tahanan, sa Crimson Mental Asylum ay umaalingaw-ngaw ang napakalakas na tunog ng alarms, tanda ng kaguluhan.

Walang tigil at mabilis na tumatakbo sa madilim na pasilyo ang isang dalaga, hindi alintana ang nararamdamang pagod at ang suot na straight jacket.

Hindi nawawala ang nakapangingilabot na ngisi sa kaniyang mga labi.

Matagal niya nang hinihintay ang pagkakataon na ito, ang makatakas sa kulungang ito. Kaya gagawin niya ang lahat para makalabas lamang sa impiyernong pasilidad na ito. Kung kinakailangang patayin niya ang lahat ng haharang sa daan niya ay gagawin niya.

Nakarinig siya ng malakas na pagpito kaya mas binilisan niya pa ang pagtakbo. Kung saan-saang pasilyo siya lumiko para mailigaw ang guwardiyang kanina pa ay humahabol sa kaniya.

"Fuck this fucking ugly guard!" hinihingal man ay inis niyang bulalas at mas binilisan pa ang pagtakbo.

May makasasalubong siyang isa pang guwardiya, kaya mabilis siyang lumiko sa isa pang pasilyo at pumasok sa isang kuwarto para panandaliang magtago.

Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi para pigilang makalikha ng ingay. Mariin siyang napapikit nang marinig niya ang pagdaan ng mabibilis na yabag sa kuwartong pinagtataguan niya.

Hingal na hingal na siya, pagod na pagod dahil sa matagal na pagtakbo, pero hindi pa rin nawawala ang nakapangingilabot na ngisi sa kaniyang labi, dahil alam niyang makaaalis na siya sa lugar na ito.

At nang mawala ang mga yabag, mabilis siyang muling tumakbo at tinahak ang daan palabas. At sa kabutihang palad, wala na siyang nakasalubong pang hadlang.

Nakalabas na siya ng gusali at nakikita niya na ngayon ang kaniyang sundo, dahilan para mas lumawak ang ngisi sa kaniyang mga labi.

"I told ya, fuckers. I'm gonna escape this fuckin' hellhole!"

I.N. Manansala

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon