CHAPTER 1
Woman With A CicatriceMULA sa binabasang notes, napaangat ang tingin ng sikat na psychiatrist ng Harmony Bridge na si Dr. Sigmund Legaspi, matapos marinig ang katok mula sa pinto ng kaniyang opisina.
Mula roon ay pumasok ang kaniyang assistant na si Kyla at marahang lumapit sa tapat ng kaniyang lamesa.
Maganda ang dalagang si Kyla, maamo ang mukha nito at halatang-halata ang kainusentihan dito. Mabait ito at mahinhin. Hindi gaya ng ibang babae, ni minsan ay hindi ito nagpakita ng interes sa doktor. Kaya sa lahat ng babaeng naging assistant ni Dr. Sigmund ay ito lamang ang nagtagal.
Hindi rin naman masisisi ang mga babaeng nagkakandarapa sa tanyag na doktor, dahil talaga namang umaapaw sa angking kaguwapuhan si Dr. Sigmund.
Lahat ng hahanapin mo sa isang lalake ay nasa doktor na. Looks, brain, wealth, at higit sa lahat single, na siyang pinagtataka ng karamihan.
Kung hindi sila nagkakamali ay nasa thirty years old na ang naturang doktor. Kaya nagtataka sila kung bakit hindi pa nito naiisipang mag-asawa, o ang magkaroon manlang ng kasintahan.
Wala na itong ibang inatupag kung hindi ang trabaho nito. Wala na rin itong matawag na pamilya, at hindi nila alam kung ano ang dahilan ng pag-iisa na lamang nito sa buhay.
Kahit na matunog ang pangalan nito sa lungsod ng Harmony Bridge, nananatili pa ring misteryoso ang lalake sa lahat.
Walang nakaaalam sa kung saan ba ito nagmula, dahil bigla lang naman itong sumulpot sa lungsod at dito pumasok sa medical school. Pagkatapos ay nanatili ito rito hanggang sa maging isang ganap na itong psychiatrist.
Pero sa kabila niyon ay tinanggap at hinangaan ng buong mamamayan ng Harmony Bridge si Dr. Sigmund, lalo na ng mga kababaihan.
“Lunch time na po, Doc. Hindi ka po ba sasabay kumain?” tanong ng assistant niyang si Kyla. Sa pitong buwan nitong pagtatrabaho sa kaniya, nakasanayan na nilang magsabay sa pananghalian. Komportable siya sa dalaga, kaya kaysa naman mag-isa siyang kumain ay sumasabay na lamang siya rito.
Nginitian niya ang dalaga. “No. Mauna ka na. May lunch date ako ngayon with a friend,” kapagkuwan ay sagot niya rito.
“D-date po?”
“Yes. Why? Is there something wrong with that, Kyla?” kunot noo niyang tanong nang mapansin ang naging reaksiyon ng dalaga.
“Ah…” Ngumiti at umiling si Kyla. “Wala po, Doc. Hehe. Sige po, mauna na ’ko.” Pagkatapos ay muling tipid na ngumiti ang dalaga sa kaniya, at saka marahang yumuko bilang pagbibigay galang, bago nilisan ang kaniyang opisina.
Napabuntonghininga na lamang siya, at saka tumingin sa wrist watch niya para tignan ang oras. Mag-aalas-onse na pala. Kaya agad niya nang inayos ang mga gamit niya at naghanda na sa pag-alis.
May usapan kasi sila ng kaniyang nag-iisang kaibigan na magkikita ngayong lunch. Matagal niya na itong hindi nakikita. Nakatira kasi ito sa ibang lungsod--- sa lungsod kung saan siya ipinanganak. At gaya niya ay isa rin itong psychiatrist.
Naging kaibigan niya ito noong college siya. Pareho silang psychology student, kaya naging magkaklase sila sa ibang subjects.
Sa kabila ng propesyong kaniyang tinahak ay isa siyang introvert, kaya ito lang talaga ang natatanging naging kaibigan niya sa buong buhay niya.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...