SC1. Her Plan

1.1K 23 0
                                    

\\Special Chapter//

“You ready?”

Nilingon niya si Henry na siyang nagsalita, saka muling bumalik ang nakaloloko niyang ngisi sa labi.

“Of course, I always am.”

Sabay silang naglakad patungo sa lower deck, kung sa'n naroon naghihintay ang isang bangka na sasakyan nila palayo sa kinaroroonan nilang yate.

Muling gumuhit ang isang ngisi sa kaniyang mga labi nang tuluyan na silang makalayo at pinanonood ang malakas na pagsabog ng yate.

Finally, natapos na rin, wala nang manggugulo pa sa 'tin, Baby, magiging masaya tayong dalawa kasama ang anak natin.

“Tayo na, Henry, umalis na tayo rito,” utos niya sa kasama, na siyang nagmamaneho ng bangka, habang siya'y prenteng nakaupo habang inaalala ang mga planong ginawa nila at ngayo'y napagtagumpayan nila.

Ito lang ang naisip niyang paraan para maging tahimik na ang buhay nilang dalawa ni Dr. Sigmund. Kailangan niyang alisin sa landas nila ang alkalde ng Harmony Bridge, dahil alam niyang kahit saan sila magtago ay hahanapin sila nito't guguluhin; alam niyang hinding-hindi sila titigilan ng alkade hanggat hindi ito nakagaganti sa lahat ng ginawa niyang atraso dito.

Kaya magandang solusyon ang alisin na siya sa mundo; mas madali at siguradong mabisa. It's an very evil plan tho, but she doesn't care. Kailan ba siya nagkaroon ng pakialam sa buhay ng ibang tao? Si Dr. Sigmund lang naman ang mahalaga sa kaniya, at ngayon ay dumagdag na ang nasa sinapupunan niya.

Pero alam rin niyang hindi pa rin sila matatahimik dahil sa dami ng kasong kinahaharap niya; she's a notorious serial killer, at pinaghahabol siya ng batas.

Kaya naman ang naisip niyang solusyon ay ang patayin rin ang sarili, nang sa gano'n ay tigilan na siya ng batas. But of course it's just an act, aminado siyang baliw siya pero wala siyang planong patayin ang sarili niya. At isa pa, wala akong planong iwanan ang baby ko no.

Kaya naman gumamit siya ng isang bangkay ng babae na wala nang nag-cle-claim sa isang morgue. Nagpagawa pa siya ng singsing na kapareho ng singsing nilang dalawa ng asawa niya, para kapani-paniwala namang siya ang bangkay na 'yon na ngayo'y kasama nang natutusta ni Mayor Santiago sa yate. Sorry, Girl, rest in peace.

At si Henry na ang bahala kung paano nito mapalalabas at mapatutunayan na bangkay niya talaga iyon, kaya naman wala na siyang problema.

Ang kailangan niya na lamang gawin ngayon ay ang pasayahin ang mahal niyang asawa, pero bago niya gawin 'yon ay may gusto muna siyang gawin; gusto niya na munang ayusin ang sarili niya bago niya muling harapin si Dr. Sigmund.

Kaya naman nag-stay siya sa Sivy Island at do'n nagtago habang nagbubuntis siya.

Hindi siya nawalan ng contact sa asawa niya, every week niya itong tinatawagan para hindi ito mag-alala sa kaniya, pero hindi niya binanggit dito ang tungkol sa pagdadalang tao niya.

Hanggang sa dumating na ang araw ng panganganak niya; sa Sivy Island pa rin siya nanganak, at ang tanging kasama niya lamang ay sina Henry, Darling Sin, at ang mapagkakatiwalaang doktor na mag-aanak sa kaniya.

Hinihiling niya na sana narito ang asawa niya sa tabi niya, hindi dahil sa natatakot siya, kun'di dahil sa gusto niya itong makasama sa pinaka masayang araw ng buhay niya.

“Ano'ng gusto mong ipangalan sa kaniya?” tanong ni Darling Sin matapos ilapag sa tabi niya ang bagong silang niyang supling.

Matamis siyang ngumiti habang malamlam ang mga matang tinitigan ang anak niya.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon