57. Second Round of their Death Game

715 16 6
                                    

Nang tuluyan nang makalabas ng apartment nila, dumeretso na siya sa kotse niya’t mabilis na nagmaneho patungo sa condo ni Darling Sin na nasa Emerral

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang tuluyan nang makalabas ng apartment nila, dumeretso na siya sa kotse niya’t mabilis na nagmaneho patungo sa condo ni Darling Sin na nasa Emerral.

Yes, hindi nakatira si Darling sa sarili nitong bahay sa Crimson Wood, at wala na siyang balak pang alamin kung bakit pinili nitong manirahan sa lungsod na ‘yon. Hindi ko ugali ang manghimasok sa mga buhay nang may buhay; if not only necessary tho. Basta wala siyang pakialam.

Habang nagmamaneho ay tinawagan niya ang isang numero.

And as usual, mabilis nitong sinagot ang tawag niya.

“Nakuha mo na ba lahat?” bungad niya rito.

“Not yet, magaling magtago ng baho ang alkaldeng ‘yon, we need more evidences to take him down, masyado siyang mahal ng nasasakupan niya dahil sa pagiging mabuting mayor tss, blinded people.”

Napatiim bagang siya. “Gusto kong bumagsak at masira siya bago ko siya bigyan ng ticket papuntang impyerno, kaya gawin mo ang lahat para mapalabas ang lahat ng baho niya,” mahinahon pero mariing saad niya.

“Noted, I’ll give you updates.”

“Good.”

Malademonyo siyang ngumisi habang matalim ang mga tingin sa daan.

I know hindi mo kami patatahimikin, Mayor Santiago, kaya uunahan na kita. This is just our second round game, and in our third and final game, I’ll make sure you’ll be game over, and I’m the one who will have the victory.

Nang makarating siya sa condo unit ni Darling, agad nitong ibinigay ang pinakiusap niya rito, dahilan para mapangisi siya.

Hindi niya alam kung bakit pumayag si Darling na tulungan siya sa plano niyang ‘to, basta sinabi lang nito na mangako siyang ito na talaga ang huli, and after this kailangan niya nang manahimik at tuluyan nang magbagong buhay.

Nangako rin itong hindi ipapaalam sa dad nito ang plano niya, basta lang tuparin rin niya ang pangako niyang pagbabago.

And of course tutuparin niya ‘yon, ginagawa niya lang naman ito para sa baby niya, para sa ikatatahimik nilang dalawang mag-asawa.

Kaya gagawin niya ang lahat magtagumpay lamang siya. Mamumuhay sila ni Sigmund ng masaya at malaya, kasama ng anak nila. Pasimple siyang humaplos sa tiyan niyang manipis palang.

Siguradong matutuwa si Sigmund kapag nalang nitong nagdadalang tao na siya, pero wala pa siyang balak na ipaalam dito ang tungkol sa pagdadalang tao niya. Not now.

“Ito na ba ang lahat?” tanong niya kay Darling habang prente siyang nakaupo sa single sofa nito’t binabasa ang mga laman ng folder na binigay nito.

“Yup, ‘yan na ang lahat ng mga legal properties ng mga Santiago,” he nonchalantly answered after sipping on his coffee.

“Good, marami-rami pala ang bibisitahin ko,” nakangising saad niya na hindi inaalis ang paningin sa loob ng folder.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon