SPG
“Damn man, your wife in fake papers is a hell of a sexy woman!” mahinang bulalas ng katabing si Kristof nang makita nila si Ivy na naglalakad patungo sa dalampasigan. Naka-red two-piece ito, bagay na bagay sa kulay pastel peach na buhok nito na naka-braid sa magkabilang gilid.
“Yeah,” ang tanging naitugon niya habang nakatitig pa rin sa babae na ngayo’y nagtatampisaw na sa dagat. Nakaupo sila ngayon sa puting buhangin at sa ilalim ng isang buko tree, in-e-enjoy ang sariwang hangin at nakaka-relax na tunog ng dagat.
“But what’s that on her back?” kunot nuong tanong nito na napansin ang mga peklat ng latay na pinupuno ang buong likod ni Ivy.
“A scars from her past,” ang tanging naging sagot niya. Naikwento na ni Ivy ang lahat tungkol sa nakaraan nito; ang mga pinagdaanan nito sa mga kamay mismo ng sarili nitong pamilya. Hindi niya alam kung ano’ng mararamdaman nang malaman ang totoo, walang-wala ang mga pinagdaanan niya sa mga pinagdaanan nito; kaya hindi niya na masi-sisi ang babae kung bakit ito naging ganito ngayon, dahil ang lahat ng ginagawa nito’y may pinagmulan.
Pero ang mahalaga’y unti-unti nang nagiging maayos ang kalagayan nito. Nangako ito sa kanya na titigilan na ang pananakit at pagpatay ng tao, at panghahawakan niya ang pangakong ‘yun, gagawin niya ang lahat para mawala na sa sistema nito ang nakasanayan, at ibabalik niya ang konsensiya, awa, at pag-si-sisi sa sistema nito. Magiging maayos ang lahat.
“So hindi na ‘ko magtatanong, I know you can handle it,” may tipid na ngiti sa labing saad ng kaibigan niya habang tinatapik-tapik ang likuran niya, dahilan para mapangiti siya.
“Thanks, Bro,” ang tanging tugon niya.
“Anyway, tell me, ano na ba talaga’ng relasyon niyo ni Ivy? Official girlfriend mo na ba siya?” biglang tanong ng kaibigan, kaya mula sa pagkakatitig kay Ivy, nalipat rito ang paningin niya. “I just wanna ask kung may label na ba kayo bukod sa pagiging ‘married couple in fake papers’?” binigyang diin nito ang huling linya. Ibinalik niya ang paningin sa direksiyon ni Ivy, saka tipid na ngumiti.
“We never talk about label, I don’t know actually what exactly relationship are we have,” sagot niya na nananatili ang pangin sa babaeng in-e-enjoy ngayon ang dagat, dahilan para muli siyang mapangiti. “But we don’t need status or label, as long as we love each other, that’s enough.”
“Tss, hindi mo ba alam kung gaano kahalaga ang label sa isang relasyon? Isa ‘yun sa patunay na pag-aari mo ang isang tao. And what? Mananatili ka nalang ba sa pagiging pekeng asawa sa pekeng papel?” Tipid siyang tumawa at saka marahang umiling.
“Kuntento na ‘ko sa kung ano’ng me’ron kami ngayon, saka ko na iisipin ang label na ‘yan, for now I just wanna savor the time being with her,” sinserong sagot niya habang nakatingin pa rin sa gawi ni Ivy. Lumingon ito sa gawi nila, saka malawak ang ngiting kumaway, kaya nakangiti rin siyang kumaway pabalik dito.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...