It's been a week simula nang bisitahin siya ni Abbygail at pagbantaan, magkatabi lang ang kuwartong tinitirahan nila pero hindi na sila muling nagkita.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o kakabahan na. Nagsumbong na kaya ito sa mga pulis? Pero kung gano'n bakit sa nakalipas na isang linggo'y walang dumating para hulihin sila? Ano kaya ang binabalak ng babae? Sumuko nalang kaya ito't napagdesisyonan na'ng hayaan silang mag-asawa? O natakot sa maaaring gawin ng asawa niya? I doubt that. Wala siyang maramdamang takot sa babaeng 'yon nang huli silang mag-usap.
Pero kung ano man ang binabalak nito ngayon, kailangan niyang maging handa, hindi niya hahayaang mapahamak ang asawa niya nang dahil lang sa babaeng 'yon.
Naalis siya sa malalim na pag-iisip nang may bigla na lamang kumatok sa pinto. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at nakaramdam siya ng kaunting kaba, pero sa kabila no'y tumayo pa rin siya mula sa pagkakaupo sa sofa nila't naglakad patungo sa pinto para pagbuksan ang kumakatok.
Pero nang buksan niya ang pinto ay napasinghap na lamang siya nang may biglang lumapat sa labi niya't pumulupot na braso sa leeg niya.
"Jesus Christ!" bulalas niya matapos itulak ang humalik sa kanya, saka niya ito masamang tinignan. "What do you think you're doing?!" galit na bulalas niya rito, pero sa halip na matakot sa galit niyang reaksiyon ay nginitian pa siya nito.
"I missed you, Sigmund," sa halip ay malambing nitong saad, saka humawak sa sarili nitong labi. "Ang lambot ng labi mo, I'm surely get addicted with your kisses."
Gamit ang kanang braso'y mariin niyang pinunasan ang sarili niyang labi. Siguradong hindi ito magugustuhan ng asawa niya.
"Don't you dare do that again!" mariing saad niya rito, habang masama pa rin ang mga tinging iginagawad para sa dalaga.
Maarteng humagikgik si Abbygail, saka marahang naglakad palapit sa kanya, kaya naman mabilis siyang umatras palayo. Hindi niya na hahayaang makadikit pang muli ito sa kanya, tama na ang isang pagkakamali, hinding-hindi talaga 'to magugustuhan ni Ivy. May ibang labi ng babae ang lumapat sa mga labi niya, at kahit pa hindi niya naman 'yon ginusto ay pakiramdam niya'y nagtaksil pa rin siya sa asawa niya, dahil hinayaan niyang may makahalik sa kanyang ibang babae.
"Why, Sigmund? Hindi mo ba nagustuhan ang halik ko? But I want to kiss you again, I want to feel that soft lips of yours again---"
"I won't let you! Ang asawa ko lang ang may karapatang humalik sa 'kin!" mariing putol niya rito habang matalim pa rin ang mga tingin sa babae.
She rolled her eyes. "Tss, your criminal wife, do you really love her? O baka naman pinilit ka lang niya? Cuz I heard she's an obsessed psycho, pinatay niya nga ang dati niyang kinahumalingan, hindi ka ba natatakot na baka patayin ka rin niya kapag nagsawa na siya sa 'yo? She's crazy, dapat sa kanya'y kinukulong sa mental hospital." Napatiim bagang siya dahil sa sinabi nito. Sa buong buhay niya ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong galit para sa isang tao.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...