45. Her Eluding Method

901 24 4
                                    

“Seems like Detective Hanson’s suspecting Honey, may mga taong pasikretong nagbabantay sa paligid ng bahay niya,” nakangising saad niya habang prenteng nakaupo sa driver seat ng sasakyang kinaroroonan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Seems like Detective Hanson’s suspecting Honey, may mga taong pasikretong nagbabantay sa paligid ng bahay niya,” nakangising saad niya habang prenteng nakaupo sa driver seat ng sasakyang kinaroroonan niya.

“What are we gonna do now? Paano makakasama sa ‘tin si Kristof?” nag-aalalang tanong ni Dr. Sigmund mula sa kabilang linya. Naiwan ito sa bahay dahil mas magiging maayos ang galaw niya kung siya lang mag-isa ang susundo kay Kristof, mahirap na kasi’t baka mabisto pa sila, maaaring pati ang kaibigan ng lalakeng iniibig ay mapahamak. Kinakailangan nilang mag-ingat.

“Don’t worry, Baby, ako’ng bahala,” walang pag-aalalang saad niya, kasunod ay ang pagsibol ng nakalolokong ngisi sa kaniyang labi.

“Ano’ng plano mo?” Nahihimigan niya ang pagkakakunot ng nuo nito, dahilan para lalo siyang mapangisi.

“I’ll call you again later, I love you,” tanging tugon niya, saka na pinatay ang linya.

To: Honey B. 🐝
You can come out now. A taxi will stop in front of you, get on the back seat and act normal. 😉

Pinagana niya na ang makina ng taxi na sinasakyan niya matapos maipadala ang mensahe kay Kristof.

At nang makita niya na ito sa labas ng gate ng bahay nito, sinulyapan muna niya ang sarili sa rearview mirror at inayos ang suot na sombrero, bago tuluyang pinaandar ang sasakyan at inihinto sa mismong tapat ng doktor.

At gaya ng sinabi niya, normal ang kilos itong sumakay sa backseat.

“Saan tayo, Ser?” tanong niya sa matigas na tagalog.

“Sa puso mo,” nakangising sagot naman nito, dahilan para mapangisi rin siya’t pinaandar na ang sasakyan.

“Sorry, Dr. Sigmund already filled my heart, you cannot fit in na,” nakangising sagot niya gamit na ang sariling boses, saka ito kinindatan, dahilan para matawa ang kaibigang doktor. Yes, they are now friends, ito mismo ang nagsabi nito, dahil daw babae, girlfriend, at asawa sa pekeng papel siya ng matalik nitong kaibigan, kaya magkaibigan na rin daw sila sa ayaw niya man o sa gusto. So ano pa nga ba’ng magagawa niya? At saka hindi na rin naman masama, madali namang pakisamahan ang lalake, at importante ito sa Baby niya.

“In fairness, you really look like an old man taxi driver with your outfit,” sa halip ay pansin naman nito sa kasuotan niya, kaya nagmamalaki niya itong nginisian mula sa rearview mirror.

“The power of make-up and prosthetics,” sagot niya, saka sumulyap sa side mirror para makita ang isang itim na kotse na nakasunod sa kanila. Isang nakalolokong ngisi ang pinamalas niya na ibinalik sa daan ang paningin.

“Kaya pala ang galing mong magtago,” nakangising tugon nito.

“Of course, hide and seek is my game, and I’m the queen of disguising after all,” hindi pa rin nawawala ang ngising sagot niya. “Anyway, I’ll drop you in a restaurant, kailangan nating iligaw ang mga sumusunod sa ‘tin,” kapagkwan ay saad niya.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon