58. From making better to making worst

582 15 3
                                    

Sinubukan niyang sabihin kay Ivy ang tungkol kay Abbygail, pero bigla siyang nagdalawang isip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinubukan niyang sabihin kay Ivy ang tungkol kay Abbygail, pero bigla siyang nagdalawang isip. Natatakot siya sa maaaring gawin ng asawa niya sa oras na malaman nito ang tungkol sa pagbabanta ng babaeng ‘yon.

Tiwala siya sa pangakong pagbabago ng asawa niya, pero hindi niya pa rin maiwasang matakot, lalo na sa iniisip niyang magagawa nito sa oras na magalit ito, baka hindi rin nito mapigilan ang sarili at may magawa itong masama kay Abbygail.

Hindi si Abbygail ang concern niya, kun’di ang asawa niya, ayaw niya nang madungisang muli ang mga kamay nito, dahil baka bumalik ang pagkasabik nitong pumatay sa oras na mabahiran nanaman ng dugo ang mga kamay nito, at ayaw niyang mangyare ‘yon.

Kaya napagdesisyonan niyang ‘wag na munang sabihin sa asawa niya, siya na ang iisip ng paraan para masolusyonan ang problema nila kay Abbygail. Baka madaan niya pa ito sa pakikipag-usap?

Gusto niya sanang i-suggest kay Ivy na lumipat na lamang sila sa ibang lungsod at lumipat ng ibang mapagtataguan, pero matalino si Ivy, siguradong maghihinala ito sa kanya’t aalamin ang dahilan niya, at alam niyang kahit hindi niya ito sabihin, may paraan ang babae para malaman ‘yon.

He doesn’t want to risk, nagiging maayos na si Ivy, ayaw niya nang masira pa ‘yon.

Kaya kahit ano’ng paraan gagawin niya mapatahimik lang si Abbygail, maliban lang sa kagustuhan nito, dahil hindi niya ‘yon kayang ibigay rito; loyal siya sa asawa niya, at kahit kailan ay hindi niya magagawang magtaksil rito kahit pa para sa kapakanan nilang dalawa; hindi siya tanga para gawin ‘yon at basta-basta nalang magpadala sa pananakot ng babaeng ‘yon.

Kailangan niya lang gamitin ang utak niya’t mga kakayanan niya.

He has a skill of controlling a persons emotion. He hates being manipulative, pero kung kinakailangan niyang gawin ‘yon para mapatahimik lang si Abbygail ay gagawin niya.

Pero ang una niyang kailangang gawin ngayon ay ang kilalanin ang babaeng ‘yon, kailangan niyang malaman ang lahat ng kahinaan nito.

He will targeting her emotion, until he find her breaking point.

Magaling siya sa pagpapagaling sa mga pasyenteng mentally unstable, at pagtulong sa mga taong may mga weak emotion, but he can also make them worst.

I’m sorry, Abbygail, you forced me to do this, lahat kaya kong gawin para sa mahal ko.

“I’ll leave now, Baby,” paalam ni Ivy matapos nitong makapag-ayos, saka ito lumapit sa kanya’t humalik sa labi niya. “Don’t forget to lock the door,” paalala nito nang maghiwalay na ang mga labi nila.

“Yes, Baby, don’t worry, umuwi ka agad.”

“I’ll try na hindi gabihin, but I can’t promise,” nakangiting sagot nito, saka muling dinampian ng mabilis na halik ang labi niya, bago na ito tuluyang umalis.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon