CHAPTER 28
Last Mimic“GRAB a cop gun kinda crazy, she's poison but tasty. Yeah, people say, run, don't walk away. ’Cause she's sweet but a psycho, a little bit psycho. At night she’s screamin’, I'm-ma-ma-ma out my mind,” pagkanta niya habang hinihintay ang signal ni Henry. Nasa loob siya ng kotse habang pinanonood ang nakaaaliw na kaganapan sa labas.
Nasa labas si Henry ngayon at kasalukuyang inuubos ang mga bantay ng anak ng alkalde. Napangisi siya nang sa wakas ay lumingon na sa kaniya ang kasama, tanda na puwede na siyang lumabas.
Inayos niya ang suot na maluwag na pants at hoody na kaparehong-kapareho ng suot ng dalagang Santiago ngayon habang naglalakad na palapit sa van na kinalululanan nito.
Nakangisi niyang binuksan ang pinto ng van kung saan alam niyang nakapuwesto ang dalaga. At mas lalo pa siyang napangisi nang makita itong humahagulgol habang umiiling sa kaniya at nagsisimula nang magmakaawa na huwag na itong sasaktan.
“P-please tama na… tama na please. Please, have mercy, Ivy. P-please,” utal at humahagulgol nitong pagmamakaawa sa kaniya. But sorry, nakalimutan niya na kung kailan ba siya huling nakaramdam ng awa, dahil never niya namang naramdaman ang pakiramdam na iyon sa tanang buhay niya. Kaya sa halip ay tinawanan niya lamang ito.
“Aww, don’t worry, Andy. I’m not gonna hurt you again, I promise. Cuz your father will.” Kasunod niyon ay ang paghalakhak niya.
Marahas niyang hiniklat sa braso ang dalaga, at saka itinulak kay Henry na mabilis din namang nasalo ng isa, dahilan para mas lalong humagulgol sa pag-iyak ang dalaga, at saka nagsimulang sumigaw ng saklolo.
Ayaw na ayaw niya talaga sa mga maiingay. Kaya naman sinenyasan niya na si Henry na busalan ito at dalhin na sa compartment ng kotse.
“Iiwan na kita rito,” saad ni Henry matapos maisilid ang dalagang Santiago sa compartment.
“Okay lang, sanay naman akong naiiwan. Pft,” pagbibiro niya. Pero agad din siyang napasimangot nang kunutan lang siya ng noo ng lalake. “Tss. Just go. Siguradong parating na ang mayor,” saad niya na lamang. Siguradong nakatawag pa sa alkalde ang tauhan na kasama ng dalaga bago matuluyan sa mga kamay ng dating abogado.
“Take care,” huling saad ni Henry bago siya talikuran at lisanin na ang lugar.
Nang tuluyan na siyang mapag-isa sa lugar, kasama pala ang mga taong wala nang buhay sa paligid niya, ngingisi-ngisi siyang naupo sa lapag at sumandal sa gulong ng van.
“Grab a cop gun kinda crazy, she's poison but tasty. Yeah, people say, run, don't walk away. ’Cause she's sweet but a psycho, a little bit psycho. At night she’s screamin’, I'm-ma-ma-ma out my mind,”
Inabala niya ang sarili sa pagkanta at sa pagtitig sa mga bangkay sa paligid niya habang nag-aantay sa kung sino man ang dadating.
Napangisi siya nang mayamaya lang ay makarinig na siya ng sirena ng pulis. Kaya inihanda niya na ang sarili sa gagawing pag-arte.
“I’m definitely enjoying this,” nakangising usal niya, at saka na pinilit paluhain ang sarili habang nakayakap sa sariling mga tuhod.
“Stop, please. Stop. Have mercy, please. Stop,” paulit-ulit niyang usal habang humahagulgol at naglilikot ang mga mata, hanggang sa lumapit na sa kaniya ang isang pulis.
Napakagaling niya talagang umarte. Walang panama ang mga sikat na artista. Natawa na lamang siya sa isip at pinagpatuloy ang ginagawang pag-arte.
~*~
MABILIS ang ginagawang pagtakbo ng alkalde sa pasilyo ng Harmony General Hospital. Nang malaman niya ang nangyari sa bunsong anak, mabilis niyang nilisan ang meeting na siyang dahilan kung bakit hindi siya nakasama sa pagsundo sa anak.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...