52. Saving The Bridegroom

783 20 0
                                    

“I already know where he is, bumalik ka na sa bahay mo,” saad niya sa pinsan habang mabilis na nagmamaneho, saka pinutol ang linya kahit na may sinasabi pa ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“I already know where he is, bumalik ka na sa bahay mo,” saad niya sa pinsan habang mabilis na nagmamaneho, saka pinutol ang linya kahit na may sinasabi pa ito. Wala na siyang panahon para makipagsalitaan pa rito, kailangan niya nang mapuntahan at mailigtas ang baby niya.

Mabuti na lamang talaga’t nilagyan niya ng tracking device ang suot nitong relo na siyang niregalo niya rito nuon, kaya naman nalaman niya agad kung sa’n ito dinala ng mga inutil na naglakas loob kunin ang baby niya!

Kapag talaga may nakita siyang ni isang galos sa katawan ni Dr. Sigmund, pasensiyahan nalang, hindi por que nagbago na siya, hahayaan niya na lamang ang mga itong makalagpas sa kanya! Hindi lang naman pagpatay ang kaya niyang gawin.

An evil smirked plastered on her face, and drove as fast as she can.

Hanggang sa mapadpad siya sa isang abandonadong bodega sa Hellizon.

“I’ll show you how wicked I am, fuckers!” nakangising usal niya nang makababa sa sasakyan niya, habang matalim na tingin ang pinukol niya sa naturang bodega.

Nagsimula siyang maglakad papasok, bitbit ang napulot niyang tubong pakalat-kalat lang sa labas.

Mapapatawad naman siguro siya ng baby niya kung mananakit lang naman siya ng kaunti, hindi naman siya papatay, she just want to punish them by giving a little mutilation, just a little.

Tahimik ang ginawa niyang pagpasok, dahilan para hindi siya mapansin ng mga kalalakihang nag-iinuman habang nagbabantay sa kanilang bihag. Mas tumalim ang mga tingin niya nang makita ang baby niya na nakagapos sa isang upuang kahoy at walang malay. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa, at nakahinga siya ng maluwag nang walang makitang galos sa katawan nito. ‘Pasalamat kayo mga hangal!’

Hindi kalakihan ang bodegang kinaroroonan nila, kaya sa tingin niya’y magiging madali nalang ito para sa kanya. Hindi niya na ito patatagalin pa dahil hindi sila puwedeng mahuli ng groom niya sa wedding nila. Kailangan bago sumapit ang hating gabi ay nakaayos na ang lahat.

Time check, 10:58 pm.

May kalahating minuto siya para tapusin ang mga hangal na ito.

Muli niyang ibinalik ang paningin sa mga kalalakihang mukang nagkakasiyahan at abala sa pagbibisyo. Ang lakas talaga ng loob ng mga itong manigarilyo habang nasa paligid ang baby niya! Hindi ba alam ng mga ito na mas masama ang second hand smoke?! Napatiim bagang siya at parang gusto niyang pag-aalisin ang baga ng mga ito gamit lang ang mga kamay niya! She can see blood, pero dahil nangako siya sa baby niya, pipilitin niyang maging mabait sa mga ito, sapat na siguro’ng parusa ang mabalian ng buto. 'Yeah that will do.'

Kaya naman suot ang nakaloloko niyang ngisi sa labi ay taas noo siyang lumabas sa pinagtataguan niya’t nagpakita na sa mga ito.

“Hey, fuckers, I’m here to fetch my groom,” nakangising saad niya habang nakapameywang at nakapatong sa leeg niya ang hawak na tubo, dahilan para bumaling sa kanya ang mga lalake.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon