\\Special Chapter//
“Ano'ng naramdaman mo nang suntukin mo siya?” mahinahong tanong niya sa anak. Kapwa silang nakaupo sa nilatag nilang mantle sa ilalim ng isang puno dito lang sa bakuran nila. Hindi nila kasama si Ivy dahil nagtungo ito sa bayan para bumili ng mga seeds sa pagtatanim nito.
Linggo ngayon kaya walang pasok, ngayon lang siya nagkaro'n ng pagkakataon para kausapin ang anak tungkol sa ginawa nitong panununtok sa kaklase nito.
Gusto niyang malaman ang kalagayan ng anak, dahil me'ron siyang napapansin sa behavior nito habang lumalaki.
“It feels great,” tipid na sagot nito habang patuloy sa pag-dra-drawing sa sketch book nito.
Nanliit ang mga mata niya. “It feels great? How great? I mean, natuwa ka ba dahil nasaktan mo siya?” muling tanong niya, pinananatili ang pagiging malumanay sa boses.
Inalis ng anak ang tingin sa sketch book nito't tumingala sa kaniya, kaya agad niya itong nginitian, para hindi nito masamain ang pagtatanong niya.
“I felt satisfied. He teared my drawing, he deserve it,” sagot nito na deretsong nakatingin sa mga mata niya. “Am I a bad person, Papa? Because I punched him on his face, and I shouted at his mom,” kapagkuwan ay dugtong nito, kaya naman binuhat niya ang anak at pinaupo sa hita niya, saka niya ito marahang hinaplos sa ulo.
“Of course not, our prince is not a bad person,” nakangiting sagot niya rito. “Pero huwag mo nang uulitin 'yon ahh. Kahit na gaano ka pa kagalit, huwag na huwag kang mananakit ng kapwa mo. Kahit na ano'ng mangyari, Ize, maging mabuti kang tao, kahit pa wala ka nang nakikitang tama sa paligid mo.”
Hindi na sumagot ang anak niya, pero tumango ito sa kaniya, kaya naman ginulo niya ang buhok nito't hinalikan ito sa ulo.
'Hindi ko hahayaang magaya ka sa mama mo, hindi ko hahayaang masira ang buhay mo, Anak.'
Magiging maayos ang anak nila, gagawin nilang dalawa ng asawa niya ang lahat, maging maayos lang ang buhay ni Ize.
Sa mga lumipas na araw, buwan, at mga taon, patuloy niyang sinubaybayan ang anak. Ngayon ay 14 years old na ito at nasa grade 10 na ito ng junior high school.
Nakitaan niya ito ng sintomas ng ASPD or Antisocial Personality Disorder, kaya naman ginawa nilang dalawa ng asawa ang lahat para maigiya ang anak sa tuwid na landas at hindi na matulad pa sa ina nito na nagkaroon ng magulong buhay dahil sa pagkakaroon nito ng nabanggit na mental ill.
Pero kahit na ano'ng gawin nilang pag-gabay at pangangaral sa anak ay nahirapan pa rin silang control-in ang anger management nito, lalo na't hindi naiiwasang nakakaingkuwentro ito ng mga bagay na nagpapagalit dito, na nagiging sanhi ng pananakit nito sa kapwa nito.
Natutuwa ito't nasa-satisfy sa tuwing nasasaktan nito ang mga taong nagiging dahilan ng galit nito, hindi ito nakararamdam ng kahit na katiting na konsensiya o awa.
Parati rin silang napapatawag sa principal office dahil sa mga gulong kinasasangkutan nito't paglabag sa mga school rules.
Napansin rin niya ang minsang pagiging walang galang nito sa ibang tao, pero pagdating naman sa kanilang dalawa ni Ivy ay sobrang pag-galang ang pinakikita nito.
At hindi niya malilimutan nang lunurin nito ang sarili nitong alagang aso nang dahil lang sa nginatngat ng kawawang aso ang sketch book nito.
Talagang nababahala siya para sa anak, pero hindi naman sila nagkukulang ni Ivy sa pag-gabay dito, at handa nila itong gabayan hanggang sa kahuli-hulihang hininga nila, maging maayos lang ang buhay ng kanilang anak at hindi ito lumiko sa maling landas. Magiging mabuting tao ito kahit na ano'ng mangyari.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Tajemnica / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...