25. Last Date

1.1K 38 2
                                    

CHAPTER 25
Last Date

ANOTHER three days have past. After this day, tapos na ang isang linggong ibinigay ni Ivy. Gamit ang kotse ni Kristof, bumyahe siya pabalik ng Harmony Bridge. May gusto siyang balikan sa bahay niya.

Nang makarating sa bahay niya, mabilis na siyang pumasok at dumeretso sa kuwarto niya. Kailangan niyang bilisan dahil siguradong bantay sarado rin ng detective itong bahay niya. Hindi na siya magugulat kapag bigla na lang itong sumulpot.

Mabilis siyang dumeretso sa bedside table niya, at saka kinuha ang isang maliit na kahon.

Nang buksan niya ang naturang kahon, hindi niya napigilan ang mapangiti nang makita ang nilalaman nito, saka niya mabilis na isinuot sa kaniya.

Mula nang ibigay ito sa kaniya ni Andy, ito ang unang beses na naisuot niya ito. Tinitigan niya ang isinuot na relo.

Bukod sa suot niyang singsing, itong relo na lang ang magiging kasama niyang alaala sa dalaga. Kaya sa paglayo niya, ipinangangako niyang pag-iingatan ang mga ito. Sa pamamagitan manlang ng mga ito, maramdaman niyang kasama niya pa rin ang dalaga.

Napadako ang paningin niya sa nag-iisang painting ng dalaga sa kuwarto niya. Ang nude painting nito. She's cute, yet sexy and beautiful. He's still amazed at how she can do both. Ito lang ang nag-iisang babaeng pilya pero nagagawa pa ring maging cute sa paningin niya. Mukha talaga itong bata, pero kapag kumilos na ito, parang hindi nalalayo ang edad sa kaniya.

She looks innocent, but not. Mukhang mas inosente pa nga siya kaysa rito.

Napangiti na lang siya sa mga alaalang kasama ang dalaga, lalo na ang mga kapilyahan nito. Na-mi-miss niya na talaga ito. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya, kasunod ng malalim na pagbuntong-hininga niya.

Kailangan niya nang umalis ngayon din. Pipihit na sana siya patungo sa pinto nang bigla na lamang itong bumukas, at saka pumasok ang humahangos na dalaga na kanina pa laman ng isipan niya.

"Andy..." gulat na usal niya sa pangalan nito. Humihingal ito at nanunubig ang mga matang nakatingin sa kaniya. Tinignan niya ang kabuuan nito. Hindi katulad ng dati, hindi ito nakasuot ng bistida. White pants ang suot nito na may itim na linya sa magkabilaang gilid, na tinernuhan ng isang makapal na black shirt jacket na may hood. Itim na rubber shoes naman ang suot nito sa paa, at may suot din itong itim na sumbrero sa ulo.

Malayong-malayo ang itsura ng nakikita niyang Andy ngayon sa nakasanayan niyang Andy. Mas gusto niyang nakikita itong nakabistida at nakatirintas ang buhok sa magkabilaang gilid. Ngayon ay nakalugay lang ang buhok nitong umaabot hanggang siko.

Balot na balot ito, para siguro takpan ang mga latay nito sa katawan. Pakiramdam niya ay bigla siyang nanghina nang maalala ang pinagdaanan nito sa mga kamay ni Ivy.

"Baby..." naluluha na nitong usal, at saka mabilis na tinawid ang distansiya nilang dalawa at mahigpit na yumakap sa kaniya. Kaya hindi niya na napigilan pa ang sariling mahigpit ding yumakap pabalik dito.

"Bakit ngayon ka lang bumalik? Bakit hindi mo manlang ako binisita sa hospital? Akala ko nakuha ka niya na sa'kin!" humahagulgol nitong saad habang mahigpit pa ring nakayakap sa kaniya.

"Andy, I'm sorry," tanging nasabi niya habang nagsisimula na ring mamasa ang mga mata niya, hanggang sa tuluyan na ngang magsitulo ang mga luha niya.

"Pinatatawad na kita. Please lang, 'wag mo nang uulitin 'yon, ha? 'Wag ka na bigla-bigla na lang uli mawawala. Pinag-alala mo 'ko nang sobra, baby," saad nito na kumalas sa pagkakayakap sa kaniya, at saka marahang hinawakan ang mukha niya.

"I missed you so much," saad nito habang nakatitig sa mukha niya, kasunod ng mabilis na paghalik nito sa kaniya, kaya hindi na siya nagdalawang isip pang tugunan ang halik nito.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon