14. I'm Yours, Baby

2.1K 44 0
                                    

CHAPTER 14
I’m Yours, Baby

NAGISING siya dahil sa pagtunog ng doorbell niya. Tumingin siya sa alarm clock niya, at labis na nangunot ang noo niya nang makitang alas-sais pa lang ng umaga.

Linggo ngayon kaya day off niya. Sino naman kaya ang bibisita sa kaniya ng ganito kaaga?

Tuloy-tuloy pa rin sa pagtunog ang doorbell niya, kaya naman mabilis na siyang tumayo at nagsuot ng T-shirt bago lumabas ng kuwarto niya.

At nang mabuksan ang pinto ng bahay niya, parang biglang nawala ang antok niya nang makita ang nakangiting mukha ni Andy mula sa labas ng gate habang magiliw na kumakaway sa kaniya.

Napatitig siya sa kabuuan nito, at hindi niya naiwasang mapangiti nang makitang nagbalik na ito sa dating ayos. Naka-kulay puti itong bestida na may mga disenyong sunflower, block doll shoes, at naka-pigtail ang ayos ng buhok nito.

“Andy, what are you doing here?” kunot noong tanong niya nang pagbuksan ito ng gate.

“Visiting you. Gosh, I missed you, Baby,” sagot nito na yumakap sa kaniya, kaya napangiti na lamang siya at niyakap ito pabalik.

Baby… Is that our endearment now?

“Did you eat na ba?” tanong nito nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya.

“Nope. Kagigising ko lang,” sagot niya.

“Oww. So, nagising ba kita? Huh, my baby?” malambing nitong muling tanong habang marahang hinahaplos ang mukha niya, dahilan para muli siyang mapangiti.

It’s so ironic na siya pa ang tinatawag nitong baby, samantalang ang laki ng tanda niya rito.

“It’s okay. Let’s go inside, magluluto ako ng breakfast---”

“No. I’m the one to cook,” putol nito sa kaniya, dahilan para mapataas ang kilay niya.

“Okay. Let’s go?” sagot na lang niya, at saka na sana mangunguna papasok ng bahay pero pinigilan siya nito, kaya binigyan niya ito ng nagtatakang tingin.

“Where’s my morning kiss?”

“Huh?”

“Kiss,” saad nito na ngumuso pa sa kaniya. Nailibot niya ang paningin sa paligid bago ibinalik ang paningin sa dalaga.

“Sa loob na lang,” tipid ang ngiting sagot niya rito. Pero nakangusong inilingan siya ng dalaga at mas itinutok pa ang nguso sa kaniya. Tipid na lamang siyang natawa sa kakulitan nito, at saka ito binigyan ng isang dampi sa labi.

Pero mabilis na kumapit ang mga braso nito sa leeg niya at siniil ng halik ang labi niya.

“Hmm…” ungol nito habang tinutudyo ng dila nito ang labi niya para ibuka.

Nailibot niya ang mga mata sa paligid dahil baka may makakita sa kanila, pero tinugunan niya pa rin ito at hinayaang magtagpo ang kanilang mga dila.

Hinapit niya ito sa baywang habang iginigiya papasok sa loob ng bahay. Isinandal niya ito sa isinaradong pinto nang hindi pinapatid ang kanilang paghahalikan.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon