CHAPTER 12
Missing Her“MAY NAKUHA rin kaming hidden camera sa bawat sulok ng bahay mo. Hindi ka niya malapitan kaya ito ang paraan niya para mabantayan ka,” saad ng detective na nasa kaniyang harapan.
Nandito sila ngayon sa bahay niya. Nang ma-clear ang clinic niya at makakuha ng mga hidden camera, dumeretso agad sila sa bahay niya para dito naman maghalughog.
“It means ang tagal niya na palang binabantayan ang bawat galaw ko.”
“Yes. Hindi na nakagugulat ’yon. Kaya magtatalaga na ’ko ng mga tao para magbantay sa paligid ng bahay at clinic mo. Kahit saan ka magpunta, may palihim na ring susunod sa’yo. Kaya kung sakaling magpakita na sa’yo si Ivy, madali natin siyang mahuhuli.”
Napapikit na lamang siya at napatango.
So, siya na nga, nasa harapan niya na ang lahat ng nagpapatunay na siya na ang bago nitong kinahuhumalingan.
Dalawang babae na ang nabiktima nito na konektado sa kaniya, at maaaring maging tatlo na kung hindi maililigtas si Kyla.
“Thank you, Detective. I’ll do anything basta makatulong sa paghuli sa kaniya.”
“Salamat din sa kooperasyon mo. Mauuna na kami.”
Pabagsak siyang muling naupo sa sofa niya nang tuluyan nang makaalis ang detective.
Bakit ba gumulo nang ganito ang buhay niya?
~*~
NAGISING si Sigmund nang makaramdam ng pagkangalay sa likod niya. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya sa sofa sa sala.
Tumayo siya at dumeretso sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush.
Wala siyang ganang magtrabaho ngayon, kaya tinignan niya ang schedule niya at tinawagan ang lahat ng pasyenteng may appointment sa kaniya.
Kinansela niya ang lahat ng appointment niya sa buong linggo at inirekumenda sa ibang kakilala niyang doktor ang mga pasyente niya. Gusto niyang magkulong lamang sa bahay niya at magpahinga.
Pakiramdam niya ay pagod na pagod ang katawan niya, kaya tamad na tamad siyang kumilos.
Minsan lang siyang magpahinga at magkaroon ng leave, kaya pagbibigyan niya na ang sarili.
Kailangan niya rin pala ng hahalili sa puwesto ni Kyla. Makaligtas man ito o hindi, tuluyan niya na itong tatanggalin sa trabaho. I-re-refer niya na lamang ito sa ibang psychiatry doctor na kilala niya.
Kaya tumawag siya sa agency para kumuha ng bagong assistant. Siguradong marami-rami na naman ang aplikante na i-interview-hin niya.
Nang matapos asikasuhin ang lahat ng konektado sa kaniyang trabaho, dumeretso siya sa isang kuwarto sa second floor ng bahay niya.
Ilang linggo na ba ang nakalipas mula nang huli siyang pumasok sa kuwartong ito?
Hindi niya na maalala.
Masyado siyang naging busy para paglaanan pa ng oras ang isa pang hobby niya bukod sa pag-aaral.
Napupuno ng iba’t ibang paintings ang dingding ng kuwarto.
Nature ang paborito niyang subject sa pagpipinta, pero karamihan sa mga paintings niya ay konektado sa mga pinagdaanan niya.
Kung titignan mo ang mga ito, puno ng kalungkutan.
Bata pa lamang kasi siya, sa pagpipinta niya na ibinubuhos ang lahat ng kalungkutan niya dahil sa pag-iisa.
Kailan ba siya nagpinta nang may kasiyahan?
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...