32. Her kind of Hide and Seek

1K 26 0
                                    

CHAPTER 32
Her kind of Hide and Seek

“DITO ka lang, Dr. Legaspi. Mas magiging ligtas ka rito,” saad niya sa doktor nang makarating na ang mga paramedics at iba pang back-up. Naitakbo na ang mag-amang Santiago patungong ospital. Pinasasama niya na ang doktor sa mga ito, pero nagpumilit itong manatili.

Kaya iiwan niya na lamang ito sa harap ng warehouse kung saan naroon ang mga patrol cars at ilang mga alagad ng batas.

Muli niyang tinignan ang cellphone na nakita ng mga humabol kanila Ivy. Sadya itong iniwan ng babae, dahil mayroong nakatipang mensahe nang sindihin niya ito.

‘My dear detective, let’s play hide and seek. I know you would also love that. So seek us well. Hihi.’

Napatiim bagang siya dahil ginawa na rin ito dati ng babae bago niya ito mahuli, at halos maubos ang mga kasama niya sa larong ito.

Gumagamit ng silencer ang babae kaya nakapagtatago at nakapapatay ito nang tahimik. Magugulat ka na lang, bigla na lang tutumba ang katabi mo at may butas na sa ulo.

Ang masama, gabi na. Magaling pa namang magtago sa dilim ang babae.

Nagamot na ang braso niya, pero ramdam niya pa rin ang sakit ng pagkakabali nito.

Damn you, Ivy!

May mga kasama siya habang naglalakad sa gitna ng kakahuyan habang taimting nagmamasid sa paligid. Hindi niya akalaing mauulit na naman ang pagkakataong ito. Noong huli ay nakabenda rin ang braso niya gaya ng ngayon. Pero noon ay dahil binaril siya ng babae sa braso, at ang ngayon naman ay binalian naman siya nito ng braso. At magkaparehong braso pa ang noon at ngayon. Nananadya ba ang babae?!

Hindi na siya nagulat nang bigla na lang tumumba ang katabi niya. Sinasabi ko na nga ba! Tsk! Agad na naalarma ang mga kasama at itinutok ang hawak na baril sa kung saan nagmula ang balang kumitil sa buhay ng kawawang kasama nila ngayon.

“Tama na ang laro mo, Ivy! Sumuko ka na lang!” sigaw niya, kahit na alam naman niyang hinding-hindi iyon gagawin ng babae.

“Ayo’ko nga. Hahaha!” mabilis nilang itinutok ang baril nila sa direksiyon ng sumagot. Pero gumagalaw na mga dahon na lang ang nakita nila doon. Fuck!

Hindi na siya nagugulat, dahil kadikit na talaga ng babae ang kadiliman. Kayang-kaya nitong itago ang sarili sa dilim habang nakangising pinanonood kang magmukhang tanga kahahanap sa kaniya. At magugulat ka na lang, nasa likod mo na siya.

Kabisadong-kabisado niya na ang mga galaw ni Ivy, pero nahihirapan pa rin siyang sabayan ang mga kilos nito, dahil napakatahimik talaga nitong gumalaw.

Mas naalarma sila nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Mukhang nagsimula na ang totoong madugong laro ng babae.

At bago pa man sila makakilos, may nagpaulan na ng bala sa kanila. Kaya mabilis silang nagkaniya-kaniyang tago sa mga puno para hindi tamaan ng mga bala.

“Magtatago ka na lang ba, my lovely detective? Fight me! Hahahaha!” sigaw ng babae, kasunod ng nakaloloko nitong halakhak.

“Buwisit ka talaga, Ivy!” ganting sigaw niya at gumanti ng putok rito. Nakita niya itong mabilis ding nagtago sa isang puno. Napamura siya nang makitang tumba na ang mga kasama niya.

Damn it!

Salitan lang sila ng pagpapaputok ng babae. Bigla itong tumakbo palayo, kaya mabilis niya itong hinabol habang patuloy niya itong pinapaputukan ng baril.

Pero muli siyang napamura nang maubusan siya ng bala. Mabuti na lamang at mayroon pa siyang revolver, kaya mabilis niya itong inilabas at muling itinutok sa babae. Pero mabilis siyang napatago sa isang puno nang muli ay gantihan siya nito ng putok.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon