“Finally, we’re here!” Ivy’s exclaimed after getting off of the car. Inilibot niya ang paningin sa paligid, napapangiti na lamang siya dahil sa sobrang ganda ng tanawin at sobrang presko ng hangin.
“Ang ganda dito, Baby, ang sarap tumira dito,” malambing na saad ni Ivy na yumakap sa baiwang niya, kaya inakbayan niya ito’t matamis na nginitian.
“Gusto mo ba’ng tumira dito?” malambing ring tanong niya. Kung siya lang ay gusto niyang manirahan dito, dahil tahimik dito’t malayo sa gulo’t mga pinagtataguan nila, posibleng maging tahimik ang buhay nilang mag-asawa sa lugar na ‘to.
“Of course, ikaw ba gusto mo?” balik nitong tanong.
“Puwede, muka ngang masarap tumira dito,” nakangiting sagot niya.
“Kung gano’n pag-usapan natin ‘yan, but for now pasok na muna tayo sa loob, para makapag-luto na rin ako ng lunch natin,” saad nito na nauna nang maglakad papasok sa loob ng rest house ni Sin, kaya nangingiting kinuha niya na sa compartment ang mga bagahe nila’t sumunod na sa asawa.
***
Napangiti siya nang makitang puno ang ref sa kusina’t kumpleto na ang mga gamit. Mukang pinaghandaan talaga ni Darling ang pagpunta nila rito sa rest house nito.
Abala si Sigmund sa pag-aayos ng mga gamit nila sa gagamitin nilang kuwarto, kaya naman inabala na rin niya ang sarili sa paghahanda ng magiging pananghalian nila.
Nang maisaayos niya na ang lahat ng mga rekado at naisalang niya na ang mga karne para pakuluan, sinunod niya ang gagawing gelatin for dessert.
Habang naghahalo siya ng gelatin, naramdaman niyang may mga brasong pumulupot sa baiwang niya mula sa likuran na sigurado naman na ang asawa niya ang may-ari.
Ipinatong ni Sigmund ang baba nito sa balikat niya, kaya nangingiti niya itong hinaplos sa ulo habang patuloy pa rin sa paghahalo sa gelatin.
“Wanna help?” pinalambing ang boses na tanong nito.
“No, Baby, maupo ka nalang muna diyan sa stool, ako na dito,” sagot niya, pero imbis na sundin ang sinabi niya, ibinaon nito ang muka sa leeg niya habang umiiling, dahilan para makaramdam siya ng kiliti, lalo na nang magsalita ito.
“But I wanna help you.”
Naglalambing ang baby niya, kaya ano pa ba ang magagawa niya?
“Okay, okay, ikaw na ang maghalo dito,” saad niya na inabot dito ang panghalo. “Tutal malapit na rin namang kumulo ‘tong pinakukuluan ko.”
Kaya gano’n nga ang nangyare, magkatulong nilang inihanda ang pananghalian nila, pero siyempre hindi mawawala ang lambingan.
Napakasaya nilang tignan sa loob ng kusina, they are like a perfect picture of a married couple, natural para sa mga bagong kasal, ganito pa rin kaya sila kapag nagtagal? Sana, pero sino ba’ng makapagsasabi? Wala nama’ng nakakaalam sa mangyayari sa hinaharap maliban sa nasa itaas.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mistério / Suspense[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...