34. Fool In Love

1.2K 39 1
                                    

CHAPTER 34

Fool In Love

ONE WEEK HAS PASSED…

Sa nakalipas na isang linggo, nanatili lang siya sa bahay niya; maghapong nakahilata sa magulong kama niya, tatayo lang sa tuwing gagamit ng banyo, lilinisin ang sugat niya sa likod ng kanang balikat, at sa tuwing makararamdam ng gutom.

This is not him. Matapos ng mga nangyari nitong nakaraan, the neat Dr. Sigmund Legaspi faded. Sa loob ng isang linggo, parating okupado ang isip niya; parang lagi siyang wala sa sarili, at tinatamad siyang kumilos, hindi niya na nga muling nabuksan ang clinic niya. Ilan sa mga pasyente niya ay tinatawagan na siya, pero wala siyang sinagot kahit isa.

As if he can work after what happened, baka nga siya na ang nangangailangan ng psychiatrist ngayon. Pakiramdam niya ay masisiraan na talaga siya ng bait dahil pilit pa ring ginugulo ng babae ang isip niya.

Sa kabila ng mga nalaman niya ay hindi niya mapagkailang mahal niya pa rin ito. Hinahanap-hanap niya pa rin ito. Pinipigilan niya ang sarili pero nagpupumilit pa rin ang sarili niyang makita ito.

Niloko siya nito, minanipula, at pinaulanan ng salitang puro kasinungalingan, pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman niya para sa babae?

Nakilala niya ito bilang si Andy Santiago, pero hindi siya makapaniwala sa nararamdaman niya. Ang kilala niya ay si Andy, pero mukhang ang minahal niya ay ang katauhan ni Ivy.

Dumapo ang paningin niya sa nag-iisang painting ng dalaga na nakasabit sa dingding niya, ito ang nude painting ng dalaga na ipininta niya.

Mapait siyang napangiti nang sunod-sunod na bumalik sa isipan niya ang mga alaalang kasama ang dalaga. Naalala niya kung gaano ito ka-sweet, ka-possessive, at ka-clingy sa kaniya.

Bumalik sa alaala niya ang mga panahong masaya silang magkasama, ang mga kapilyahan nito sa kabila ng inosente nitong itsura—na hindi naman pala nito pag-aari.

Biglang nanikip ang dibdib niya nang bumalik din sa alaala niya ang panahong nadiskubri niya ang katotohanan, nang makita niya ang tatlong letra ng pangalan nito sa likod ng singsing niyang nanggaling mismo rito. Itinaas niya ang kaliwang kamay at malamlam ang mga matang tinitigan ito.

Masaya siya nang araw na iyon dahil kasama niya ito, kahit na inaasahan niya nang sakit at kalungkutan ang magiging kapalit ng kasiyahang iyon. Pero hindi niya inaasahang ganito pala kasakit ang magiging kapalit.

Napapikit siya at pabagsak na ibinaba ang kaliwang kamay at muli ay sinubukang matulog. Pero nabigo lang muli siya, dahil ayaw talagang tantanan ng babae at ng mga nangyari ang isipan niya.

Pagkatapos niyang mabaril sa likod ng balikat nang gabing iyon, nawalan siya ng malay dahil tumama ang ulo niya sa isang bato nang bumagsak siya. At nang magising siya, nasa ospital na siya ng Emerral City.

Ang sabi ni Detective Hanson ay nakatakas sina Ivy at Henry. Hinalughog daw ang buong kagubatan ng Emerral, pero hindi na raw nakita pa ang dalawa.

Hindi niya na alam kung ano ang nangyari sa dalawa, dahil bago siya tuluyang mawalan ng malay ay nagsasagutan ang dalawang magkakampi.

Nakaramdam siya ng pag-aalala para sa dalaga, pero pilit niya itong hindi inintindi. Hindi na siya nagtagal pa sa ospital at pinili na lang na umuwi sa bahay niya.

Pero kahit na ano’ng pilit niyang hindi pag-intindi sa nararamdaman, palagi pa rin siyang nabibigo, dahil kahit na ano pang tanggi niya, nag-aalala siya para kay Ivy.

Gusto niya na itong mahuli, pero siguradong sa kulungan na ang bagsak nito kapag nangyari iyon. Gusto niya itong gumaling at magbagong buhay, pero posibleng hindi nito iyon magawa sa loob ng kulungan. He wants to help Ivy. Pero paano niya iyon magagawa?

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon