CHAPTER 2
Princess Of HarmonyANIM na buwan na ang lumipas mula nang magkita sila ng kaibigan, at hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip niya ang babaeng may pilat sa mukha na nagngangalang Ivy Dela Peña.
Parati siyang nakikibalita sa kaibigan patungkol sa paghahanap dito. At dahil na rin sa sinabi niyang nakaharap niya na ang naturang serial killer, nakapangako siya ng cooperation sa paghahanap dito.
Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit in-i-involve niya pa ang sarili sa problema ng Crimson Wood. Pero dahil nakita ang dalaga rito sa Harmony Bridge, malaki ang posibilidad na nandito ito at baka ang lungsod naman na ito ang binabalak na paghasikan ng krimen.
“Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Hindi ko na alam kung ano na’ng nangyayari sa ’kin. Basta ang alam ko lang, hindi na ’to normal,” parang wala sa sariling sagot sa kaniya ng kaniyang pasiyente.
Kasalukuyan siyang nasa session kasama ang huli niyang pasyente para sa araw na ito. Base sa itsura nito, parang ilang araw na itong walang tulog.
“When was the last time you slept?” mahinahon niyang tanong dito. Sandali itong nag-isip, bago mapait na ngumisi.
“I don’t even remember.” Saka ito mapait na tumawa. Kaya napabuntonghininga na lamang siya, at saka niya ipinagsalikop ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng kaniyang mesa.
~*~
SINIMULAN niya na ang magligpit nang matapos ang kaniyang trabaho sa araw na ito. Nauna nang umuwi ang kaniyang assistant, dahil kinailangan niya munang i-analyze ang kondisyon ng huli niyang pasyente bago umuwi. Kaya inabot na siya ng alas-diyes ng gabi.
Nasa parking lot na siya ng kaniyang clinic nang mapahinto sa paglalakad dahil nakarinig siya ng yabag mula sa kaniyang likuran. Pero nang lingunin niya ito, wala naman siyang nakitang ibang tao.
Napalunok siya. Pakiramdam niya ay may nakamasid sa kaniya mula sa kung saan. Medyo nakaramdam siya ng kilabot dahil malalim na ang gabi at nag-iisa lamang siya sa kinaroroonan niya ngayon.
Pero ipinag-sa-walang bahala niya na lamang ito at nagpatuloy na sa paglalakad palapit sa kaniyang sasakyan.
Sa kabilang banda, isang nakapangingilabot na ngisi ang ipinamalas ng isang hindi kilalang tao, habang hindi inaalis ang paningin sa doktor na ngayon ay pasakay na sa sarili nitong sasakyan.
“Dr. Sigmund Legaspi…” usal nito, at saka mahinang bumungisngis.
Pagod na humilata si Sigmund sa kaniyang kama matapos niyang makapagpatuyo ng buhok niya.
Naghahanda na siya sa pagtulog nang biglaang tumunog ang kaniyang cellphone. Iilan lamang ang nakaaalam sa kaniyang personal na numero. At walang tumatawag sa kaniya kung wala namang importanteng sasabihin.
Kaya mabilis niya itong sinagot, lalo na nang makita ang pangalan ng alkalde ng lungsod ito na si Mayor Andrew Santiago.
Naging kasundo niya ang alkalde dahil naging pasyente niya ang panganay nitong anak na nag-suffer ng depression, na ngayon ay naninirahan na sa ibang bansa kasama ang bunso nitong kapatid.
“Hello, Mayor Santiago,” bungad niya pagkasagot niya pa lamang sa tawag nito. Ano kaya ang dahilan ng pagtawag ng alkalde sa kaniya?
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...