56. Always Trust

652 15 0
                                    

Kasalukuyan na sila ngayong nasa byahe pabalik ng Callen Hill, salitan na sila sa pagmamaneho ngayon ni Ivy na kagustuhan niya, mabuti na nga lang at hindi na ito kumontra pa’t sumang-ayon na lamang sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasalukuyan na sila ngayong nasa byahe pabalik ng Callen Hill, salitan na sila sa pagmamaneho ngayon ni Ivy na kagustuhan niya, mabuti na nga lang at hindi na ito kumontra pa’t sumang-ayon na lamang sa kanya.

Nakapag-usap na sila tungkol sa binabalak nilang pananatili sa Magalay Province, at ang sabi ni Ivy ay ito na lamang raw ang bahalang umasikaso rito, ibebenta raw nito ang bahay nito sa Crimson Wood, at ang perang makukuha raw nito sa pinagbibiling bahay ang gagamitin nito para makabili ng lupa sa Magalay.

Hindi na siya kumontra pa dahil alam naman niyang wala na siyang magagawa kapag nakapag-desisyon na ang babae.

At sa ngayon raw ay kailangan na muna nilang bumalik sa Callen Hill dahil may kailangan muna raw itong asikasuhin bago nila lisanin ang lungsod at ang Hallony.

Ang Hallony na tinutukoy niya ay ang kabuoang lugar na sumasakop sa lahat ng lungsod na kabilang ang Callen Hill na siyang pinaka-malaking lungsod sa lahat.

Few more hours later…

10 pm na nang sa wakas ay makarating na sila sa lungsod ng Callen Hill. Napaka-haba at nakapapagod ang biyahe pero sulit naman ang pagpunta nila sa probinsiyang ‘yon.

Kinunotan niya ng noo si Ivy nang ihinto nito sa isang pamilyar na compound ang sasakyan.

“What are we doing here?” nagtatakang tanong niya sa asawa.

She smiled at him. “Ibebenta ko na rin ang bahay natin sa The Diamonds Home, kaya naman habang hindi pa natatapos ang inaasikaso ko, dito na muna tayo mag-i-stay, is it okay with you?”

Ibebenta na agad nito ang bahay nila, siguro sandali lang ang aasikasuhin nito. Pero hindi niya akalaing aasikasuhin na nito agad ang pag-alis nila, siguro gagamitin rin nito ang perang pagbebentahan ng bahay nila sa paglipat nila sa Magalay Province, baka mansion nanaman ang bilhin o ipagawa nito, kailangan niya uli itong kausapin, gusto niya lamang ng simpleng bahay, dahil gusto niya lang rin ng simpleng buhay.

“Of course it’s okay, sandali lang naman ang aasikasuhin mo right?” Sandali itong natigilan, bago matamis na ngumiti sa kanya.

“Can you promise me something, Baby?” kapagkuwan ay tanong nito. Sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan ay parang bigla siyang nakaramdam ng kaba.

“What is it?”

“Can you promise to trust me?”

Bakit parang hindi maganda ang kutob niya rito? May binabalak nanaman bang gawin ang asawa niya?

“Of course I trust you, but why? May binabalak ka bang gawin na hindi ko magugustuhan?” kinakabahang tanong niya rito. Please answer me truthfully, and please say it’s nothing.

“Don’t worry, Baby, we’re gonna be okay, mangyayari ang hinahangad nating katahimikan, just trust me,” sa halip ay saad nito.

Ngayon sigurado na nga siyang may binabalak itong gawin, pero ano ba ang magagawa niya para pigilan ito?

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon