20. He's The Reason

1.3K 36 1
                                    

CHAPTER 20
He’s The Reason

NAGISING siya sa pagtunog ng kaniyang cellphone, kaya pikit ang mga mata niya itong inabot sa bedside table.

Nangunot ang noo niya nang makitang unregistered number ito.

“Hello?” bungad niya nang sagutin ang tawag.

“Okay. It’s a deal.”

Biglang nagising ang diwa niya at mabilis na napaupo mula sa pagkakahiga nang marinig ang isang matining na boses. Hindi niya na ininda pa ang biglaang pagkahilo dahil sa biglaan niyang pagtayo.

Halatang gumagamit ito ng voice simulator. Pero bakit kailangan pang gumamit ng voice simulator gayong kilala niya naman na ito? Parang pang bata ang tunog ng boses nito.

“Ivy,” mahinang usal niya sa pangalan nito.

“Yeah, it’s me, Baby. I love the agreement. I won’t kill Andy. In exchange, you’ll be mine. I love the idea, but I love you more. Hihi.”

“Where is Andy?” sa halip ay seryosong tanong niya rito. Napahigpit ang hawak niya sa cellphone dahil sa namumuong galit sa dibdib niya para sa kausap. Gusto niya itong sigawan at murahin dahil sa panggugulo nito sa buhay niya. Pero hindi niya magawa, dahil hawak nito si Andy. Natatakot siya na baka kung ano ang gawin nito sa dalaga. Kaya pakikisamahan niya ito… sa ngayon.

“Don’t worry ’bout her, Baby. Medyo duguan lang siya, pero hindi naman sapat ’yon para mamatay siya,” malambing nitong sagot, kasunod ng paghagikgik, dahilan para mas dumagundong ang kaba sa dibdib niya.

“Ano’ng ginawa mo sa kaniya?! Sinabi ko nang ’wag mo siyang sasaktan!” galit na sigaw niya rito.

“Why so mad? It’s your fault, okay? Dahil palagi mo ’kong pinagseselos,” mahinahong sagot nito, at nahihinuha niya ang malademonyong ngisi sa labi nito. “Look, Dr. Sigmund. I love you so much. And you’re hurting me because of your too much care for this kid. Bawat latay sa katawan ng batang ’to ay kasalanan mo. Kaya ’wag mo ’kong masyadong pinagseselos, mahal ko, dahil baka hindi ako makapagpigil at ilibing ko nang buhay ang napakagandang dilag na ’to. Ciao!”

Mariin siyang napahilamos sa mukha nang mapatid na ang linya.

Kasalanan ko…

Mapait siyang ngumisi. Kasalanan nga ba talaga niya? Pero nagmahal lang naman siya. Paanong naging kasalanan ang magmahal at magpahalaga?

Naging kasalanan ’yon dahil sa presensiya ni Ivy. Itinuloy ko pa rin ang nararamdaman ko para kay Andy kahit na alam kong delikado para sa kaniya. ’Yon ang kasalanan ko. I’m sorry, Andy.

Paanong naging ganito ang buhay niya? Tahimik lang siya noon na ang tanging pinahahalagahan ay ang trabaho niya. Tapos biglang sumulpot si Ivy sa buhay niya, na sinundan ni Andy. Pagkatapos niyon ay hindi na muling natahimik pa ang buhay niya.

He’s happy that Andy came into his life. He’s very happy. Pero bakit sa ganitong panahon pa sila kailangang magkakilala? Bakit kung kailan may Ivy na gumugulo sa buhay niya?

He can’t believe it. Isang beses niya lang na nakaharap si Ivy, pero nagagawa nitong guluhin siya nang ganito. Ni hindi nga niya ito kilala. Basta ang alam niya lang ’tungkol sa babae, isang takas na kriminal ng Crimson Wood na pinatay ang sarili nitong pamilya. Pangalan lang nito ang alam niya, at may sakit ito sa pag-iisip.

Wala na siyang ibang alam ’tungkol dito bukod doon, at mukhang kinakailangan niya nang kilalanin ito mula ngayon.

Muli siyang napatingin sa cellphone niya nang muli itong tumunog. Nag-send sa kaniya ng message si Ivy.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon