“Sige, tawagan mo ‘ko agad,” huling saad niya sa kausap bago pinatid ang linya. Nilingon niya ang kasamang si Kristof, pero nangunot ang nuo niya nang hindi niya na ito makita sa pwesto nito kanina.
“Na sa’n na ang lalakeng ‘yun?” kunot nuong tanong niya, saka naglakad patungo sa exit ng grocery store kung sa’n huling namataan si Dr. Legaspi kagabi.
Nakita niya si Kristof sa labas ng grocery na may kausap sa cellphone nito, kaya agad niya na itong nilapitan.
“Noted, Bro, take care,” huling saad nito sa kausap bago ibinaba ang cellphone nito’t humarap sa gawi niya. Halatang nagulat pa ito nang makita siya bago tipid na ngumiti. “May lead na ba?” tanong nito. Muling nangunot ang nuo niya nang may mapansing kakaiba. Kanina lang ay balisa ito dahil sa pagkawala ng kaibigan nito, pero ngayo’y nagawa na nitong ngitian siya. ‘Bro… who’s bro is he talking to?’
“Oo, nakita ang sasakyan ni Dr. Legaspi sa gilid ng kalsada sa Crimson Wood Lake,” sagot niya na hindi pinahalata ang namumuong paghihinala, dahilan para mangunot ang nuo ng kaharap.
“Sa Crimson Wood? Ano naman ang gagawin ng kaibigan ko du’n?” kunot nuong tanong ni Kristof sa kanya.
“Isa lang ang hinala ko…” Seryoso niya itong tinignan. “Siguradong may kinatagpo siya sa lugar na ‘yun, at mukang alam ko na kung sino,” dugtong niya. Ano nanaman ba ang pinaplano ng doktor ngayon?
Bigla niyang naalala ang huling binitawang salita ng babae para kay Dr. Legaspi na hindi niya na pinansin nuon, pero mukang magiging isa pang lead ngayon para mahanap niya ang kinaroroonan nito. Bakit ba ngayon niya lang ito naalala?
“If you decide to comeback, just look up at the sky in the midst of the night, you will see me there.”
It has a hidden message, sigurado siyang may nakatagong mensahe sa salitang ‘yun ni Ivy. In the midst of the night, it’s a time, kaya kagabi lang nawala si Dr. Legaspi para makipagtagpo rito ng 12 midnight, pero ano’ng kinalaman ng Crimson Wood sa mensahe? Bakit sa Crimson Wood Lake nagpunta ang doktor?
Kailangan niya ‘yung alamin, kaya ngayo’y kasalukuyan na siyang nagmamaneho patungo sa nasabing lugar. Sinulyapan niya mula sa side mirror ang sasakyan ni Dr. Kristof Gomez na nakasunod sa kanya.
Sino kaya ang kausap nito kanina? Wala naman siyang nakikitang kahina-hinalang kilos rito, pero nakapagtataka lang ang biglaang pagkawala ng pag-aalala sa muka nito matapos may kausapin sa phone nito.
Ayaw niya itong paghinalaan, pero ito ang nag-iisang kaibigan at pinagkakatiwalaan ni Dr. Legaspi. Posibleng ito ang tumawag rito.
Nang makarating sa Crimson Wood Lake…
“Kumusta?” tanong niya sa ibinigay na partner sa kanya na isa rin sa pinagmamalaking detective ng Thanatos, mula sa lungsod ng Emerral. Si Detective Lander Blaza, or simply Detective Blaza.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Misterio / Suspenso[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...