5. He's Her New Obsession

3K 57 2
                                    

CHAPTER 5
He’s Her New Obsession

“JUST drink your meds. It will help you calm yourself,” he said in a low tone. Kasalukuyan siyang kausap ang isang pasyente.

“Yes, Doc.”

“And please, don’t just depend on your medicine. Try to control yourself, tulungan mo rin ang sarili mong gumaling.”

“Yes, Doc Legaspi. Thank you.”

This person is one of his suicidal patients. Isa ito sa mga pinaka pinagtutuunan niya ng pansin, ilang beses na kasing nalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay nito dahil sa ilang beses na tangkang pagpapakamatay.

“You can go home now. See you next week.”

Sumandal siya sa kaniyang kinauupuan at pumikit nang tuluyan nang makaalis ang pasyente. Tumingin siya sa suot niyang wrist watch, dahilan para muli siyang mapaayos ng upo nang makitang malapit na palang mag-lunch time.

Mamaya pa namang ala-una ang schedule ng susunod niyang pasyente, kaya puwede na siyang mag-lunch ngayon. Medyo nakararamdam na rin kasi siya ng gutom dahil hindi na siya nakakain pa ng breakfast kanina.

Tatawagan niya na sana ang assistant niya nang biglaang makarinig ng katok sa pinto, at kasunod niyon ay ang pagpasok ng taong sana ay tatawagan niya pa lamang.

“Doc, gusto mo na ho ba’ng mag-lunch? Mamayang one pm pa naman po ang susunod mong pasyente,” malumanay nitong saad habang matamis na nakangiti sa kaniya.

“Yes. I was about to call you. Let’s go and have lunch together,” nakangiti niyang sagot dito, kasabay ng pagtayo niya at paghubad ng suot niyang doctor suit.

Mas tumamis ang pagkakangiti ng kaniyang assistant dahil sa kaniyang isinatinig na para’ bang tuwang-tuwa ito sa isinagot niya.

“Okay, Doc. Nagpa-reserve na po ako ng table sa favorite restaurant mo---”

“Don’t bother.”

Sabay silang napalingon sa bukas na pintuan, at doon ay nakita nila ang nakasimangot na si Andy.

Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng dalaga.

Nakakulay rosas itong bestida na may manggas at hanggang ilalim ng tuhod ang haba, pati ang kulay ng suot nitong sandals na may takong na isang pulgada ang taas ay kakulay rin ng bestida nito. Ang ayos naman ng buhok nito ay terintas na nakapaikot sa ulo nito at may ilang hibla lamang ang natira sa magkabilaang gilid ng mukha nito.

Aaminin niyang ang cute talaga ng dalaga. She looks innocent and pure. Kaya nagugulat talaga siya sa ipinakikita nitong ugali. Nakapanlilinlang ang itsura nito.

Nagawi ang paningin niya sa suot nitong kuwintas. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil bigla na lamang siyang napangiti. Suot pa rin nito ang binigay niyang kuwintas.

“Ms. Andy,” rinig niyang usal ni Kyla, habang gulat na nakatingin sa dalaga.

“Hindi sasabay sa ’yo si Dr. Sigmund--- no, never na siyang sasabay sa ’yong kumain. Cuz now that I’m here, ako na ang palagi niyang makakasabay,” mataray nitong saad, pero nang bumaling ito sa kaniya ay bigla itong matamis na ngumiti at naglakad palapit sa direksiyon niya.

“As I promised.” Matamis itong ngumiti sa kaniya. “Here, Dr. Sigmund, pinagluto kita ng favorite food mo. Masarap ’to dahil niluto ko ’to nang punong-puno ng pagmamahal. Kaya I’m very sure na you will like it--- no, you will love it.” Saka siya nito muling pinaupo sa kaniyang swivel chair at ipinatong ang dalang paper bag sa kaniyang lamesa.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon