CHAPTER 44
His Two Treasure Person
“YOUR woman is really scary,” panimula ni Kristof nang makaalis si Ivy para magluto ng miryenda. Nasa pool area sila ngayon para lumanghap ng sariwang hangin.
“Imagine I woke up at exactly twelve midnight last night because I heard noise outside my room. Kaya I checked it, baka kasi pinasok na ’ko ng magnanakaw. But when I got in my living room, in my kitchen, in my bathroom, and even in my veranda, I saw nothing. So I just thought na baka guni-guni ko lang ang narinig ko. So I went back in my room to see a woman in black sitting pretty in my bed. Grabe muntik na talaga akong atakihin sa kaniya!” pagkukuwento ni Kristof na mahinang tinatawanan niya lang.
Nasabi na kanina ni Ivy na pinuntahan nito ang kaibigan. Gusto raw kasi nitong sorpresahin siya, kaya dinala niya ang nag-iisang kaibigan dito, kahit na alam nitong delikado. Pero sinigurado naman daw nitong safe ang pagdala nito kay Kristof dito sa kinaroroonan nila, kaya wala raw siyang dapat na ipag-alala.
She said she wants to see him happy; that is why she brought his treasured friend here. And that made his heart melt. He really feels the love from this woman. He is so lucky.
“But she’s really an adorable woman,” nakangiting saad niya na agad na ikinangiwi ng kaibigan.
“Kaya nga hulog na hulog ka, e. Tss,” sagot nito.
“Just support me,” nakangising saad niya rito, dahilan para pabiro siyang irapan ng kaibigan.
“Ano pa nga ba? Anyway, bigla lang ako’ng may naisip,” kapagkuwan ay pagpapalit nito sa paksa.
“What is it?”
“I don’t think Ivy’s a psychopath,” sagot nito na nagpakunot sa noo niya.
“What do you mean?” he asked.
“What I mean is, yes, she has all the symptoms of being under ASPD. But a psychopath doesn’t feel love. They do not develop a sense of empathy. Napapaisip lang ako; how come she fell in love with you? No’ng una I thought she was just obsessed with you. Pero ’yong nasaksihan ko kanina made me think of her real condition. Kitang-kita ko sa mga mata niya na totoo ang nararamdaman niya para sa ’yo; kitang-kita talaga sa mga mata niya ang sinseridad ng pagmamahal niya habang nakatitig sa ’yo.”
Napaisip din siya dahil sa isinatinig ng kaibigan. Hindi niya na nagawang pansinin pa iyon dahil masyado siyang tutok sa nararamdaman niya at nararamdaman ni Ivy para sa kaniya.
“Psychopaths do not and will not feel empathy; that’s why it’s not possible for them to feel love. Being under ASPD is really challenging to treat because the person who has this disorder doesn’t believe that there is a problem with their behavior. At napansin ko lang na alam ni Ivy kung ano ang kondisyon niya, tanggap niya at pinanindigan pa. I really want to examine her. Parang may mali talaga, e. Pero baka ilibing pa ’ko ng buhay n’on kapag sinubukan ko. What do you think?” pagtutuloy ng kaibigan.
Napatingin siya sa sliding door kung saan pumasok si Ivy kanina para magtungo sa kusina, bago muling ibinalik ang paningin sa kaibigan.
“Psychopath or not, I still love her. It doesn’t matter anymore,” seryosong sagot niya, dahilan para tignan siya ng kaibigan na hindi makapaniwala sa sinabi niya.
“You really are in doom, bro. What the hell? Where is Dr. Sigmund Legaspi? Where is my friend who’s very interested in making findings with mental illnesses? Ayaw mo ba’ng magamot ang babae slash girlfriend slash asawa mo in fake papers if ever she is diagnose with other mental illness?” Kristof exclaimed at him na hindi makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Misteri / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...