CHAPTER 8
Can’t Resist Her Sapid KissNANGHIHINANG naupo si Dr. Sigmund sa swivel chair niya matapos ang pag-uusap nila ni Detective Hanson sa cellphone.
“Megan is dead,” mahinang usal niya, at saka napapikit at marahang napahilot sa kaniyang sentido.
Dalawang babae na konektado sa kaniya ang pinatay, parehong natagpuan sa magkaibang eskinita, at kapwa mga walang saplot.
Tama nga kaya talaga ang hinala nila?
Idagdag pa na napatunayan nang si Ivy nga ang pumatay sa mga ito dahil sa nakuhang finger print.
Pero ang ipinagtataka niya, kung siya na nga ang bagong kinahuhumalingan nito, bakit hindi manlang ito nagpapakita sa kaniya? Ano ba ang binabalak nito? Ang ubusin ang lahat ng babaeng nagkakagusto sa kaniya?
Hindi na siya nagulat nang bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok ang dalagang anak ng alkalde.
Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi niya na alam kung ano pa ang gagawin sa dalaga.
“So, that girl is dead, huh? Who’s next? Me? Tss,” nakangisi nitong saad na parang balewala lang ang mga nangyayari. Hindi manlang ito kababakasan ng takot at pag-aalala para sa sarili.
“You’re stubborn,” sa halip ay saad niya rito. But as usual, nginisian lamang siya ng dalaga.
“I’m not scared of that lunatic bitch. I am the princess of this city. Don’t underestimate me, Dr. Sigmund, you have no idea of what I’m capable of.”
Nakangisi itong naglakad palapit sa kaniya at patagilid na naupo sa hita niya. Marahan pa itong humaplos sa pisngi niya at matamis na ngumiti.
“Don’t worry ’bout me, Dr. Sigmund, I can take care of myself.” At saka nito magaang dinampian ng halik ang ilong niya.
“You’re so sweet. Patanggi-tanggi ka pa sa’kin, pero concern ka rin naman pala sa’kin. Lalo tuloy akong na-i-in love sa’yo.” Muli siya nitong hinalikan, pero ngayon ay sa labi na.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa tuwing nasa ganito silang sitwasyon, hindi niya na magawang umalma sa dalaga.
Parang mayroon sa loob niya na nagugustuhan ang ginagawa nito sa kaniya.
Kaya sa halip na itulak ito, hinapit niya ito sa baywang at tinugunan ang halik nito.
Sa buong buhay niya, ngayon niya lang naranasan ang pakiramdam na ito. Ang pakiramdam na pagkasabik sa halik ng isang babae.
Marami naman na’ng mga babae ang nagnakaw ng halik sa kaniya, pero ni isa sa mga iyon ay walang nagparamdam sa kaniya ng ganito.
“Hhmm…” ungol ni Andy nang magtagpo ang kanilang mga dila.
Naramdaman niya ang kanang kamay ng dalaga na humahaplos sa hubad na dibdib niya, habang ang kaliwang kamay naman nito ay sumasabunot sa buhok niya.
Hindi niya namalayang natanggal na pala nito ang pagkakabutones ng polo niya.
“Andy, wait,” paungol na usal niya nang bumaba ang halik ng dalaga patungo sa leeg niya.
“Wait,” muli ay awat niya rito, at saka ito marahang tinulak palayo sa kaniya.
“What?” tila ay inis na tanong nito sa kaniya.
“We should stop this. Hindi dapat natin ’to ginagawa.”
“And why not?”
Sandali siyang natigilan. For the first time, biglang wala siyang maisip na isagot sa dalaga, samantalang napakadali lang naman ng tanong nito.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...