18. When They First Met

1.5K 36 1
                                    

CHAPTER 18
When They First Met

TAMAD siyang bumangon sa higaan niya nang marinig ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Pakiramdam niya ay wala pang isang oras mula nang makatulog siya. Hindi niya magawang makatulog kagabi dahil sa pag-aalala kay Andy. Gusto niya itong hanapin, pero hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Maski ang mga otoridad nga ay hirap na hirap tuntunin ang pinagtataguan ni Ivy, paano pa kaya siya?

Pipikit-pikit ang mga mata niyang kinuha ang cellphone niya sa bedside table, at saka mabilis na sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni Detective Hanson sa screen. Biglang nawala ang antok niya. Sana ay magandang balita ang hatid nito, sana nahanap na nito si Andy.

“Detective,” bungad niya rito.

“May nakitang bangkay sa likod ng munisipyo. Magkita na lang tayo ro’n,” seryosong saad nito, at saka na naputol ang linya.

Parang binambo ang dibdib niya dahil sa narinig, pakiramdam niya ay bigla siyang nanghina at nawalan ng kakayahang kumilos.

Please, not her!

Wala sa sarili siyang kumilos, hanggang sa matagpuan niya na lang ang sariling mabilis na nagmamaneho gamit ang luma niyang kotse patungo sa munisipyo.

6:25 A.M.

Nang makarating sa munisipyo, mabilis siyang umibis sa kotse at nilapitan si Detective Hanson na kasalukuyang kausap ang isang pulis ng Harmony.

“Detective,” agaw pansin niya rito.

“Sige. Maraming salamat,” huling saad nito sa kausap na pulis bago tuluyang bumaling sa kaniya.

“Mabuti’t nandito ka na. Let’s go,” saad nito, at saka na nanguna palapit sa ilan pang mga otoridad. At doon niya nakita ang dalawang itim na body bag. Kaya kunot noo niyang nilingon si Detective Hanson.

“Buksan n’yo ang dalawang bag,” utos nito sa mga kasamahan, kaya mabilis niyang ibinalik ang paningin sa dalawang body bag.

At halos mahigit niya ang hininga nang makita ang laman ng mga ito.

Lyneth, Kyla…

Kapwa walang saplot ang dalawang bangkay, kaya hindi na masyadong binuksan ang zipper ng bag, sakto lang para makita niya ang mukha ng mga ito.

Kapwa puno ng malalalim na hiwa ang mukha ng mga ito, at kapwa may mga laslas sa leeg.

Pero ang muntik nang magpabaliktad ng kaniyang sikmura ay nang makita ang dapat ay kinalalagyan ng mga mata ni Kyla. Puro dugo ito’t wala na ang mga mata ng dating kawani.

“’Yan ang assistant mo, tama? Sino itong isa? Kilala mo ba siya?” tanong ng detective sa kaniya.

Dahan-dahan siyang tumango bago ito nilingon.

“Siya si Lyneth. Kaklase ko no’ng college sa Crimson Wood.” Napaiwas siya ng tingin, at saka mapait na ngumisi. “Kaya pala hindi na uli siya nagpakita sa’kin. Ang buong akala ko’y tanggap niya nang hindi ko kayang ibalik ang feelings niya para sa’kin, kaya bumalik na siya ng Crimson Wood. Nabiktima na rin pala siya ni Ivy.”

Unti-unti na siyang inaatake ng konsensiya. Kahit na alam niyang wala naman siyang kasalanan, hindi niya pa rin mapigilang sisihin ang sarili.

“Sandali lang pala siyang nanahimik. Kailangan na nating mahanap ang nobya mo. Ayo’ko mang isipin, pero kapag nagtagal pa siya sa puder ni Ivy, baka matulad siya sa dalawang ’to.”

Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamao dahil sa narinig. Hindi puwedeng mangyari ang sinabi ng detective, hindi siya makapapayag na mamatay sa kamay ng babaeng iyon ang minamahal.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon