CHAPTER 30
I Need Your Help“’WAG kang umasa na magiging maayos ka rito sa puder ni Ivy, ’cause I’m sure, in the end, si Ivy pa mismo ang papatay sa’yo.” Nakangisi itong inilapit ang mukha sa kaniya. “Kung binabalak mong tumakas, run as fast as you can, hide well, ’cause I’m definitely gonna kill you with my bare hands.”
Naalala niya ang mga iniwang salita sa kaniya ni Henry bago ito sumunod kay Ivy palabas ng kinaroroonan nilang apartment.
Kung mananatili siya rito, posibleng patayin din siya ni Ivy, at kapag tumakas naman siya, siguradong papatayin siya ni Henry.
Nakaupo lang siya sa kama habang nakatulala sa pintuan. Sinubukan niya itong buksan kanina, at hindi manlang ito pinagkaabalahang ikandado. Mukhang sinusubukan ng mga ito kung tatakas siya o hindi.
Narinig niya ang lahat ng pinag-usapan nina Henry at Ivy kagabi, ang lahat ng plano ng mga ito sa mag-amang Santiago. Narinig niya na dadalhin ng mga ito ang mag-ama sa Emerral City, sa isang lumang warehouse sa loob ng kakahuyan.
Pamilyar na sa kaniya ang lugar na iyon, dahil minsan na siyang dumayo roon para dumalo sa isang seminar sa Emerral University, at isa siya sa mga inimbitahan para maging guest speaker para sa mga BS Psychology freshmen.
Kailangan niyang mabalaan ang mag-ama, pero hindi niya pa rin maintindihan ang sarili kung bakit hindi pa rin siya kumikilos. Malayang-malaya siyang lumabas dahil hindi naka-lock ang pinto, kaya ano ang pumipigil sa kaniya para tumakas?
“I don’t know if what time ba kami makababalik. Pero don’t worry, dahil may pagkain naman diyan sa fridge if magutom ka.” Lumapit ito sa kaniya at marahang hinaplos ang mukha niya. “Gusto ko pagbalik ko, nandito ka pa. I trust you.” Saka siya nito mariing hinalikan sa noo.
Mariin na lamang siyang napapikit at napahilamos sa mukha.
I need to save Mayor and Andy. Hindi puwedeng tumunganga na lang ako rito.
“God. Bahala na!” naiusal niya, kasabay ng pabiglang pagtayo niya, at saka niya na tinawid ang distansiya patungo sa pinto.
Pero bigla siyang napahinto nang saktong mabuksan niya ang pinto ay may dumaang babae na tulad niya ay napahinto rin at gulat na napatingin sa kaniya.
“Oh. It’s you,” gulat pero bakas ang galak sa mukha nito habang nakaturo sa kaniya, dahilan para mangunot ang noo niya, na mukhang nahalata naman nito dahil bigla itong pa-sweet na tumawa. “Hindi mo ba ’ko na-re-recognize? ’Yong girl sa Callen Hill Resort, Abbygail, remember?”
Sa isang iglap ay biglang nag-flash sa alaala niya iyong babaeng lumapit sa kaniya nang sandaling iwan siya ni Andy---ng nagpapanggap na Andy at nagpaalam na mag-C-CR lang. Bigla niya rin tuloy naalala nang sabihin nitong nakita nito si Ivy, na isang malaking palabas lang pala.
“Remember?” Nabalik ang tingin niya sa babae nang muli niya itong marinig na magsalita. Tipid niya na lang itong tinanguan, dahilan para lumawak ang ngiti sa labi ng babae.
“Oh, my God. I can’t believe na makikita kita rito. Ikaw pala ’yong bagong lipat na sinasabi ni Lola Seni,” tuwang-tuwang saad nito. “Anyway, magkatabi lang ang room natin. Dito lang ako sa room 109.”
“I’m sorry, but I need to go. Excuse me,” paumanhin niya, dahil kailangan niya nang magmadali. Kailangan niya pang ma-contact si Detective Hanson, kailangan niya ng tulong. Kanina pang umaga nang umalis sila Ivy, at hapon na ngayon. Ang tagal niyang tumunganga at nagdalawang isip. Masyado siyang nagpapaapekto sa nararamdaman niya. Kailangan niyang mailigtas ang mag-ama, kahit pa kapalit nito ay ang siguradong kamatayan niya.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Misteri / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...