CHAPTER 21
Shoot Them In The HeadNAPANGISI siya nang makita ang isang van hindi nalalayo sa tinitirahan ni Dr. Sigmund. Ang siyang van ng mga tauhan ni Detective Hanson na inatasang magbantay sa mahal niyang doktor bente kuwatro oras.
At alam niyang sa loob ng van na iyon, nakalagay ang monitor ng mga surveillance camera na nagkalat sa bahay at clinic ng naturang doktor.
Tss. Patago-tago pa. Akala n’yo hindi ko kayo mapapansin? Malupit pa sa mga surveillance camera n’yo ’tong mata ko. Hah!
Sumisipol siyang naglakad palapit sa van. Sa araw-araw niyang pagmamasid, nakabisa niya na ang galaw ng mga ito. Kaya alam niyang dalawang tao lang ang nasa loob ng van para magbantay sa monitor, habang iyong iba naman ay nagkalat sa paligid para magmasid.
So fuckin’ diligence assholes!
Nang tuluyang makalapit sa van, kinasa niya ang hawak na baril na may silencer. Nasabi niya na bang ayaw niya ng maiingay? Kaya hindi puwedeng nawawala ang silencer kapag gumagamit siya ng baril.
Tatlong beses siyang kumatok, at saka nameywang habang hinihintay na pagbuksan siya.
“Hi, fuckers,” malandi niyang bungad sa mga ito nang bumukas ang pinto ng van. Mas lumawak ang ngisi niya nang makitang gulat na gulat ang mga ito nang makita siya.
“I-ikaw---”
“Yeah, it’s me. ’Wag ka nang mautal. Hihi,” putol niya na rito, kasabay ng pagtutok ng hawak niyang baril sa mga ito. At bago pa man makakilos ang dalawa, mabilis niya nang kinalabit ang gatilyo ng dalawang beses.
Tumatawa siyang iniwan ang dalawang lalakeng may tig-isa-hang butas na sa noo.
Poor them. And rest in peace.
Sunod niyang nilapitan ay ang isang puno, at doon niya nakita ang isang lalake na prenteng nakaupo sa sanga habang nakamasid sa bahay ni Dr. Sigmund.
Nagawa pang kumain ng mais habang nasa trabaho? Not very good, jerky. Very, very not. Tsk tsk tsk.
“Hey, corny boy. Wanna meet my baby bullet?” matamis ang ngiting tawag niya rito habang nakatutok na sa ulo nito ang hawak niyang baril.
“Huh?” At nang saktong paglingon at pagyuko nito sa kaniya, she pulled the trigger. Nice shot. Butas din ang noo ni jerky corny boy. Rest In Peace.
Ang lakas ng lagapak ng pagbagsak nito mula sa puno. But good thing, walang tao sa paligid. Pero inilibot niya pa rin ang paningin sa paligid para sigurado, at saka niya maingat na pinasan ang katawan ng lalake para dalhin sa van ng mga ito.
Wala siyang pinalagpas sa lahat ng bantay, lahat ay tahimik niyang pinagbabaril sa noo at inipon sa loob ng van. Kaya nang matapos ay hingal na hingal siya dahil sa pagod, hindi inalintana ang mga naiwang dugo ng mga ito sa katawan niya dahil sa pagpasan niya sa mga ito, na ngayon ay humahalo na sa pawis niya. Mabuti na lang talaga at sanay na sanay na siyang magbuhat ng mga bangkay.
Hindi na siya nagpahinga pa, dahil nakita niya ang pagdating ni Detective Hanson. Siguradong pupuntahan nito ang mga kasama after kausapin si Dr. Sigmund.
Alam niyang makikipagkita ito sa doktor dahil sa ipinadala niyang video, kaya inaasahan niya na ang pagdating nito. Pero kailangan niya nang bilisan at mag-ingat, dahil matinik ang naturang detective, malakas ang pang-amoy nito pagdating sa kaniya, kaya nga medyo nagtataka na siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito nahuhuli.
Tumatanda na yata, kaya humihina na. Pft.
Mabilis niyang inakyat ang bintana ng kuwarto ng doktor. Madali lang sirain ang lock ng bintana nito mula sa labas, kaya mabilis din siyang nakapasok nang hindi gumagawa ng ingay.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Mystery / Thriller[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...