6. I Love You, Dr. Sigmund

2.5K 53 0
                                    

CHAPTER 6
I Love You, Dr. Sigmund

GUSTO niyang matawa sa sinambit ng kaibigan, pero hindi niya maitatangging medyo nakaramdam siya ng kilabot. Maaari nga iyon, pero hindi naman siguro siya ang bago nitong kinahuhumalingan. Hindi lang naman siya ang lalake sa lungsod na ito.

Pero heto pa rin siya at naglalakad sa pasilyo ng ospital, patungo sa morgue kung saan naroroon ang bangkay. Gusto niya pa ring makasiguro.

“Dr. Legaspi, Dr. Gomez,” salubong sa kanila ni Detective Hanson, ang detective na may hawak sa kaso ni Ivy Dela Peña.

“Puwede ba naming makita ang bangkay?” tanong ng kaibigan niya.

“Nabasa ko ang message mo. Nakuha ko na ang pagkakakilanlan ng bangkay. Here’s her files,” saad ng detective, at saka inilahad sa kanila ang isang folder. Kaya agad niya iyong kinuha para makita ang laman.

“She is Laine Hermosa. Twenty-six years old. A college professor. Nakikilala n’yo ba?”

Bigla siyang nanlamig nang matitigan ang picture ng babae.

God…

“Ano, bro? Isa ba sa mga babae mo?”

Babae ko? Tss. But I know this lady.

“I know her. Naging pasyente ko ang kapatid niya. At… umamin nga siyang gusto niya ’ko,” sagot niya na hindi inaalis ang pagkakatitig sa retrato ng babae.

“Sinasabi ko na nga ba, e. Delikado ka, bro!” Hindi niya pinansin ang kaibigan, at sa halip ay tumingin siya sa kaharap na detective na seryoso na ring nakatingin sa kaniya.

~*~

“KUNG sakaling tama nga ang hinala n’yo, kailangan ka naming bantayan, dahil kung ikaw nga ang bagong kinahuhumalingan ngayon ni Ivy, siguradong magpapakita siya sa ’yo,” saad ni Detective Hanson sa kaniya. Nasa ospital pa rin sila ngayon, pero naglalakad at tinatahak na ang pasilyo palabas.

Malaki nga ang posibilidad na siya nga, pero umaasa pa rin siyang baka nagkataon lang. Malay niya ba kung ilang lalake ang nagugustuhan ni Laine. Kaya may posibilidad pa rin na ibang lalake ang dahilan ng pagkamatay nito.

Pero kailangan niya pa ring makasigurado, kaya makikipag-cooperate siya, para na rin makatulong at sa kaligtasan niya.

“Magpapalagay kami ng mga surveillance camera sa bahay mo, para na rin madali kang mabantayan; pati na rin sa clinic mo.”

“Okay, Detective.”

“Kung ikaw nga talaga ang bagong target of obsession ni Ivy, malalagay sa panganib ang buhay mo. Alam mo na ang nangyari sa huling lalakeng kinahumalingan niya sa Crimson Wood.” Malalim siyang bumuntonghininga sa sinaad ng detective.

“Yeah. That’s why I’m still hoping na sana nagkakamali lang kami.”

“Pero lumayo-layo ka muna sa mga babae mo, bro, para sure na rin.”

Bigla niyang naalala si Andy. Kung sakaling tama ang hinala nila, nasa panganib ang buhay ng dalaga.

Sana talaga mali kami.

Hindi niya rin naman gustong magulo ang buhay niya.

~*~

“GGGRRMMHHH!!!” sigaw niya sa kabila ng telang nakabusal sa bibig niya.

Hubo’t hubad siyang nakadapa sa malambot niyang kama, habang nakagapos ang dalawang kamay niya sa headboard ng kama.

Sumasabay ang pagdaing at sigaw niya sa bawat hagupit ng latigo sa likod niya. Pero hindi katulad noon, wala nang inilalabas na luha ang mga mata niya, naubos na yata sa gabi-gabing pag-iyak niya dahil sa walang hanggang pagdurusang dinaranas niya sa impiyernong bahay na ito.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon