Special Chapter 6
The Second Son“ANO’NG pangalan mo?” muli ay tanong ni Sigmund sa batang muntik na nilang masagasaan kahapon. Dahil hindi nila malaman kung sino ang guardian nitong bata, isinama na lamang nila ito rito sa kanilang tahanan.
Nandito sila ngayon sa opisina niya rito sa bahay at sinusubukang kausapin nang pribado ang bata, na hanggang ngayo’y hindi pa rin nagsasalita. Nakatingin lamang ito sa kaniya at pinagmamasdan siya.
Sa tantiya niya ay mukhang kasing edaran lamang nito ang anak niyang si Ize. Pero ang payat nito, at sabi nga sa ospital, malnourish ito’t kulang sa nutrition. Mukhang hindi naalagaan ng maayos ang batang ito.
“Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?” Sinubukan niyang sabayan ng sign language ang sinabi niya. Pero muli ay hindi pa rin siya nakatanggap ng tugon mula rito. Talagang nakatitig lamang ito sa kaniya.
Napahawak siya sa kaniyang baba habang nakatitig din sa bata. Iniisip niya kung ano ba ang problema rito. Bakit hindi ito nagsasalita? Bukod sa pagiging malnourished, wala naman nang ibang nakitang problema sa bata.
Maliban na lang kung…
“Hindi ka marunong magsalita at hindi mo kayang intindihin ang sinasabi ko?”
Kung tama ang sinabi niya… why? Normal naman ang bata at walang diperensya. Hindi ba ito tinuruan ng mga magulang nito? Kung gano’n nga, imposible pa ring hindi siya nito maintindihan. Maliban na lang kung iba ang lenguwahe nito, o hindi ito kinakausap ng mga tao sa paligid nito, kaya hindi nito nagawang matutong makaintindi.
Naalis sa kaniya ang paningin ng bata at lumipat sa ibang direksiyon. Kaya sinundan niya ang tinitignan nito. Nakatingin ito sa bola na binili niya para kay Ize, pero hindi naman nilalaro ng anak niya.
Ibinalik niya ang paningin sa bata. “You want the ball?” tanong niya rito, dahilan para bumalik sa kaniya ang paningin nito, pero hindi sumagot o kahit ang umiling o tumango manlang. Kaya naman tumayo siya’t kinuha ang bola. At saka siya bumalik sa kinauupuan niya sa harapan ng bata’t ini-abot rito ang laruan.
Napangiti siya nang kunin nito ang bola habang inosenteng nakatingin sa kaniya. “So, you like ball. Sige, sa ‘yo na muna ‘yan, tutal hindi naman ‘yan nilalaro ni Ize.” At imposibleng laruin pa ‘yan ng anak niya, dahil mas ninanais n’on ang mag-drawing ke’sa ang maglaro.
At sa unang pagkakataon ay ngumiti ang bata sa kaniya, bago ito bumaba sa kinauupuan nito’t sinimulan nang laruin ang bola. Pinanood niya lamang ito’t pinagmasdan ang bawat galaw nito.
Hindi ito nakaiintindi at hindi nakapagsasalita. Pero alam nito ang paglalaro ng bola na natural naman sa mga batang katulad nito; at mukhang gustong-gusto nito ang bola.
Napabuga na lamang siya ng hangin. Kailangan nilang mahanap ang parents or guardians nito’t maibalik ito sa mga ito. Baka may ibang dahilan kung bakit hindi ito nakaiintindi o nakapagsasalita.
Kaya naman ipinagbigay alam niya na ito sa mga opisyal sa kanilang lugar para matulungan sila sa paghahanap sa guardians ng bata. Pero lumipas ang ilang araw, hanggang sa umabot na ng ilang buwan ay wala pa ring nagpapakilalang pamilya o kamag-anak ng bata; hindi pa rin nila mahanap ang parents or guardians nito.
Nakaramdam siya ng awa para sa bata. Kaya isang desisyon ang pumasok sa isip niya…
Inampon niya ito.
“Ezekiel Aries Legaspi. From now on, ‘yan na ang pangalan mo. ‘Tapos, tatawagin ka naming Kiel. Ayos ba ‘yon sa ‘yo?” nakangiting sambit niya sa bata habang naka-squats siya sa harapan nito para mapantayan ang taas nito.
BINABASA MO ANG
Possessing Dr. Sigmund
Misterio / Suspenso[COMPLETED] The Legaspi 1: Sigmund Legaspi Book Cover Designed by: ArtbyGel _____ Dr. Sigmund Legaspi, a known psychiatrist in Harmony Bridge. He has the looks, he has the brain, wealth, notoriety. He has everything that everyone sought. But except...