65. Memories

1.3K 26 2
                                    

Isa itong mahaba-habang flashback. Lagpasan kung hindi mo bet at excited ka sa epilogue haha. Pero sana basahin mo pa rin, sabay-sabay tayong magbalik tanaw sa nakaraan. 😁😆

Isa-isang nag-re-replay sa isip niya ang mga ala-ala niya kasama ang asawa niya; mula nang una niya itong makilala sa welcome back party nito bilang si Andy Santiago, nang ma-realize niyang nahulog na rin pala siya rito, nang malaman niya ang toto...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isa-isang nag-re-replay sa isip niya ang mga ala-ala niya kasama ang asawa niya; mula nang una niya itong makilala sa welcome back party nito bilang si Andy Santiago, nang ma-realize niyang nahulog na rin pala siya rito, nang malaman niya ang totoo nitong pagkatao, at hanggang sa tanggapin niya ang tunay niyang nararamdaman dito at magpakasal dito.

Lahat ay sinariwa niya sa kanyang isipan, dahil ito nalang naman ang magagwa niya ngayon.

“Magandang araw, Mayor,” nakangiti niyang bati rito, saka napatingin sa katabi nitong dalaga na malawak na nakangiti sa kanya. “She must be your youngest child,” dugtong niya na tinutukoy ang katabi nitong dalaga, na agad na ikinangiti ng malawak ng mayor.

“Ito nga ang aking bunsong anak na si Andy Santiago, napaka-ganda niya ‘di ba, manang-mana sa ‘kin haha.” Bakas ang pagmamalaki sa boses ng alkalde habang pinakikilala ang anak.

“Hi Andy, this is for you.” Saka niya inabot ang biniling regalo para sa dalaga.

“Thank you, Dr. Sigmund, nag-abala ka pa. Madalas kang mabanggit ng kuya ko sa ‘kin. Thank you nga pala dahil tinulungan mo ang kuya kong maka-recover sa depression niya, ngayon okay na siya.”

“It’s my job to help people like him, but you’re welcome.”

___

“Dr. Sigmund, do you have a girlfriend?” rinig niyang tanong nito.

“No I don’t have,” sagot niya na lalong nagpalawak sa ngiti ng dalaga.

“Really? Good to here,” tuwang-tuwang sagot nito, saka biglang hinawakan ang isang kamay niya. “Can I be your girlfriend?” dugtong nito, hindi alintana ang mga magulang na nakatingin sa kanila. Kaya mabilis siyang tumingin sa alkalde at sa asawa nitong nakangiti lang na parang natutuwa pa sa sinabi ng anak.

___

“But I want to be your girlfriend,” nakangusong saad nito, saka muling kinuha ang kamay niya. “You know Dr. Sigmund, college na ‘ko sa pasukan, at gusto kong mag-psychology, gusto ko rin kasing maging kagaya mo.”

Muli niyang binawi ang kamay niya. “You’re too young for relationship, Andy. Just focus on your studies first bago mo isipin ang magka-boyfriend,” mahinahon niyang saad, saka tipid na ngumiti dito, pero napapitlag siya nang biglang dumapo ang kamay nito sa hita niya. ‘Jesus Christ! What is she doing?’

“But I’m already 18, dalaga na ‘ko, at saka age doesn’t matter naman ehh, right Daddy?” Tinignan niya ang alkalde na napapailing nalang sa anak, pero hindi nawawala ang ngiti sa labi.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon