3. The Naughtiest Maiden

3.2K 65 0
                                    

CHAPTER 3
The Naughtiest Maiden

“BUT I love you.”

God.

“We just met, Andy. How can you love me in just a couple of hours?” Pakiramdam niya ay sasakitan na siya ng ulo dahil sa dalaga. Hindi ito katulad ng ibang dalagang nagtatapat sa kaniya na madali niya lamang na-re-reject. Anak ito ng alkalde, prinsesa ng lungsod. Hindi basta-basta ang pamilyang kinabibilangan nito. Kilala niya na ang alkalde, at alam niya ang mga kaya nitong gawin para sa pamilya.

“Love at first sight. Na-love at first sight ako sa ’yo, Dr. Sigmund. Katulad nitong relong hawak ko, unang kita ko pa lang sa ’yo you’ve already catch my attention. Pero sige, kung hindi ka pa handang tanggapin ako, maghihintay ako,” lintaya nito, at saka inilagay sa kamay niya ang kahon ng relo. “Sa ’yo ’yan. Whether you like it or not, tatanggapin mo ’yan.” Saka na ito tumakbo papasok sa loob ng mansyon.

Napabuntonghininga na lamang siya at tinignan ang hawak na mamahaling relo. “I should not accept this.” Napailing na lamang siya at tuluyan nang sumakay sa sasakyan niya.

~*~

“DOC, kumusta naman ang party sa mansyon ng mayor?” tanong sa kaniya ni Kyla nang makaalis ang pasyente niya. Naupo pa ito sa upuang nasa harap ng mesa niya.

“Okay naman. He had just introduced his daughter to me,” sagot niya habang inaayos ang mga files na nagkalat sa mesa niya.

“Daughter po? You mean, si Ms. Andy? Tama pala ang balitang bumalik na siya.”

“Yeah. ’Yon ang dahilan ng biglaang okasyon sa mansyon nila. A welcome back party for her.”

“Siguradong dalaga na siya ngayon. Ang bata niya pa kasi no’ng umalis siya rito,” saad nito na nangingiti pa.

Dalaga na nga, pero makulit.

“Yeah, she is. Bumalik ka na sa puwesto mo. Baka may dumating.”

“Ay, sorry po, Doc. Hehe. Sige po, balik na ’ko,” sagot nito kasabay ng pagtayo, at saka ito marahang yumuko sa kaniya bilang paggalang, bago tuluyang nilisan ang opisina niya.

Ibinalik niya na lamang ang atensiyon sa pag-aayos ng mga files sa mesa. Then after this, i-re-review naman niya ang notes and audio record ng session niya with his last patient, para mapag-aralan ang diagnosis niya rito.

Pero habang nasa kasagsagan na siya ng pag-re-review ng mga nabanggit, bigla na lamang bumukas ang pinto ng opisina niya nang wala manlang katok-katok.

“Sorry, Doc. Nagpumilit siya, e,” saad ni Kyla na nasa likuran ng ngayon ay malawak na nakangiti sa kaniyang dalaga.

“Hi, Dr. Sigmund. Na-miss agad kita, e,” nakangiting saad nito, at saka naglakad palapit sa kaniya. Muli na lamang siyang napabuntonghininga. Reason why sometimes I’m asking myself kung bakit naging ganito pa ang itsura ko. Tss. Sanay na siya sa mga babaeng ganito. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang napapalapit sa mga babae.

“You can now go back to your work, Kyla,” utos niya sa assistant na agad naman nitong sinunod. Pero bago umalis ay kunot noo muna nitong sinulyapan ang dalaga sa tabi niya, hanggang sa tuluyan na nga silang maiwang dalawa ni Andy sa loob ng opisina.

Possessing Dr. SigmundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon