Prologue

43 1 0
                                    

ASH

"You have to break up with him."

Napa-higop ako ng kape sa sinabi niyang iyon.

"Habang maaga pa, at habang hindi pa nila alam."

Napa-hinga ako ng malalim sa sinabing iyon ni Stanley.

"Ayoko siyang iwan, mahal niya ako at mahal ko siya. Kaya ko naman siyang protektahan eh. I'll do everything for him." Sagot ko nang hindi tumi-tingin sa kaniya.

"I know how much you love him. Pero hindi sa lahat ng oras mapo-protektahan mo siya." Sagot naman niya. "At kung gusto mo talaga siyang protektahan, iiwan mo siya."

Napa-pikit ko ako sa mga katagang iyon.

Parang nadudurog ang puso ko sa katotohanang bini-bigkas ni Stanley ngayon sa akin.

Bakit kailangan pang maging ganito? Bakit kailangan ko pang iwan siya bago ko siya ma-protektahan? Bakit kailangan ko pa siyang iwanan?

Mahal ko siya, mahal na mahal. Hindi ko yata kakayaning sabihin sa kaniya na iiwan ko na siya. Ayokong madamay siya sa akin. At ayokong malaman niya kung ano talaga ako.

Kung anong klaseng tao talaga ako.

Pero paano ko ba siya maiiwanan kung mismong sarili ko, hindi ko kaya na wala siya? Paano ko siya maiiwanan kung mahal na mahal ko siya?

Haays.

"May ibang paraan pa naman hindi ba?", tanong ko sabay tingin sa kaniya. Pinakita ko sa kaniya ang lungkot sa mga mata ko.

"Ysabel, wala ng ibang paraan." Diretsong sabi niya. "Ito lang ang tanging paraan."

Napa-hinga ako ng malalim.

Bakit ang hirap gawin niyon?

"I'll do it." Tangong sabi ko.

"Good luck." Ngiting sabi niya. "If you need someone to talk, nandito lang ako." Ngiting sabi niya kaya napangiti ako.

"I have to go." Sabay tayo ko.

"Me too." Niyakap ko siya, at ganoon din siya.

At sabay kaming lumabas sa café.

Pero ang hindi ko inaasahan ay nakita ko si Adrian na nakatayo sa di kalayuan at nakikita kong ang sama ng tingin niya sa akin.

Maybe because may kasama akong iba. At hindi niya kilala si Stanley.

"Parang tutusukin na ako sa mata ng boyfriend mo oh. Puntahan mo na doon." At naglakad na siya patungo sa kotse niya.

Ako naman ay kaagad na lumapit ako sa kaniya. At tumingin ako sa mga mata niya. And until now ay kitang-kita ko pa rin ang pagka-kunot ng noo niya.

Hindi ko alam kung kinakabahan ako o nini-nerbyos dahil sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

Kalma...

Pero paano ako kakalma kung sa bawat segundo ay naiisip ko na kailangan ko ng  bitawan ang lalaking nasa harapan ko?

Kahit naka-kunot ang noo niya ay guwapo pa din niya. Mahal ko pa din siya...

"Adrian-", hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla din siyang mag-salita.

"Sino yong kasama? Bakit kayo mag-kasama? At bakit ka niya niyakap?", sunod-sunod niyang tanong.

"Adrian, si Stanley iyon." Sabi ko. "Kaibigan ko." Dagdag ko.

Sorry at nagsinungaling ako sa'yo ngayon pa lang Adrian.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now