XXIX. ASH
After lunch ang pasok ko, half day lang kasi ang pasok ko ngayon. Tapos itong nasa tabi ko? Well obviously, nasa kaliwa ko ngayon? Isang abnormal na lalaking kumakain ng dark chocolate. Mula sa byahe ay hindi man lang ako binigyan ng kahit kaunti. Tama na daw ito hinahatid-sundo niya ako sa bahay. Ang unfair lang diba? Akala mo hindi kapamilya eh. Akala mo hindi naki-kain, naki-tulog at naki-tira sa bahay namin para pag-damutan sa kapirasong chocolate na hinihingi ko. Psh. Kahit na in the very first place ay akin naman talaga iyon. Kinuha lang ng abnormal na 'to sa fridge namin.
I get it puwede naman akong bumili n'on at hindi mag-emote dito ng very very hard. Pero kasi sa US pa iyon nabili ni... Ni Daddy.
Na-miss ko tuloy si Daddy bigla.
Alam kong wala na siya pero kamusta na kung nasaan man siya? Nakikita niya kaya kami? Pinagma-masdan? Alam kaya niya na madami akong tanong? Alam din kaya ni Daddy na naguguluhan ako sa mga bagay-bagay? Alam din kaya ni Daddy na may nangyayari sa amin ngayon?
Haays. Sana bigyan ako ng sagot ni Daddy.
Si Kuya Travis? Ayon hindi ko nakausap at kinausap. Paano ba naman kasi umuwing lasing no'ng sabado. Birthday kasi ni Caleb diba? Hindi pa nga makalakad eh. Akay-akay pa ni Stanley at Adrian si Kuya Travis. At may gana pa talaga siyang magpaka-lasing 'no? Muntikan na nga kaming mapatay nong sabado tapos lakas pa ng loob magpaka-lasing. Knock out nga siya eh. Paano na lang kung bumalik yong mga yon edi nakatulog na siya habang-buhay? Kuya Travis talaga, tanda-tanda na, hindi nag-iisip.
Pero before siya inakyat nila Stanley at Adrian n'on ay pinahinto ko na muna sila habang akay-akay si Kuya Travis. Pinic-turan ko kasi muna si Kuya Travis, para may pang-blackmail ako sa kaniya soon. Naka-ilang picture din ako n'on dahil tulog na tulog talaga si Kuya Travis. Not until mainis si Stanley at itanong kung may itatagal pa ba ang ginagawa kong pagkuha ng mga pictures ni Kuya Travis dahil ang bigat-bigat raw. At dahil doon, tinigil ko na ang pag-picture. Ka- bad trip si Stanley eh. Akala mo hindi din binuhat ni Kuya Travis noong nalasing siya eh. Psh. Walang utang na loob. Dapat pala hinayaan ko na lang siya matulog doon sa sahig ng terrace.
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay dumiretso ako ng kusina upang mag-timpla ng kape. Wala lang, pampa-tulog. Gabi na din kasi n'on, kaya kailangan ko ng matulog.
Huwag na kayo magtanong. Kape talaga ang pampa-tulog ko. Especially the nescafé creamy latte, it's my favorites though.
At habang tahimik akong nainom ng kape sa kusinang iyon ay nakita ko si Adrian na papasok din ng kusina. Nang makita naman niya ako ay lumapit siya at tinawag ang pangalan ko. Bago pa niya maituloy ang sasabihin niyang iyon ay sinabi kong huwag na muna niya akong kausapin. Huwag na muna kami mag-usap. And with that, umalis ako sa harap niya at nag-tungo sa kuwarto habang dala-dala ko ang tasa kong may kape.
Nakita ko pa na may sadness and pain sa mata niya dahil sa ginawa kong iyon. Pero hindi ko magawang malungkot o masaktan para sa kaniya dahil namumutawi ang galit ko sa kaniya at sa isiping trinaydor niya ako at niloloko all along.
And sunday night ay mabuti na lang at hindi siya nagpunta ng bahay. Good thing dahil kahit anong gawin niya ay hindi ko siya pagbu-buksan. Malamang alam ni Adrian na galit ako sa kaniya. Hindi lang galit. Kundi galit na galit. Na kailangan ko munang magpa-lamig ng ulo.
Nagcha-chat pa din naman siya sa akin. Pero ako itong hindi na muna nag-reply. Di-distansya muna ako sa kaniya hangga't sa malaman ko kung kaninong bahay iyong pinasukan ng limang lalaki. At kung bakit nandoon si Adrian.
Noong linggo naman which is kahapon ay buong araw na wala si Kuya Travis sa bahay. Umuwi na daw siya ng madaling araw at kaninang umaga, nakita kong may pasa siya sa mukha. So saan pa nga ba siya galing? Edi sa underground. Bad trip siguro siya kaya pumunta siya doon.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024