III. ADRIAN
Habang nanonood ako dito sa living room ay nakita ko si Dad na nag-aayos ng damit. Hindi ko na lang siya pinansin dahil 4th quarter na ng Golden States Warrior vs. Cleveland Cavaliers. Lamang ng ilang points ang Golden States at ilang segundo na lang ang natitira sa 4th quarter kaya nakaka-siguro akong Golden States ang mananalo, at dahil diyan mananalo ako sa pustahan namin nila Henry. Mga kaklase ko na na naging kaibigan ko na din mula first year, team mates ko din sa basketball, member kasi ako ng basketball team ng university.
Si Henry, Caleb, William, Ethan ay pumusta doon sa Cavaliers dahil nandoon daw si Lebron James. Samantalang ako sa Golden States dahil alam kong malalakas din ang mga iyon.
Nakita kong inaayos ni Dad ang buhok niya. Bihis na bihis din si Dad. So ang tanong saan siya pupunta?
"Dad, where are you going?", Tanong ko sabay subo ng fries. At kumunot ang noo ko dahil sa pag-ngiti ni Dad.
"At the party." Ngiting sabi ni Dad.
"Party? Wow ah? Ano ka teenager?", Tanong ko.
"Before you ask anything else. Alam ito ng Mommy mo."
"Wala naman akong tina-tanong. Ikaw Dad ah, napagha-halataan ka." At natawa si Dad kaya natawa ako.
As if naman itatanong ni Mommy kung saan pupunta si Daddy ngayon. Malabo.
"You want to come to the party?", Tanong ni Dad.
"Sa party?", Tanong ko at napatayo ako dahil panalo ang Golden States.
Yes, may tigi-isang libo ako sa kanilang apat next week.
"Sige Dad, sama ako. Magbibihis lang po ako." At dumiretso ako sa kuwarto ko at saka hinanap ang susuotin ko. Hindi naman kasi ako babae na matagal makahanap ng isusuot dahil para sa kanila, lahat maganda.
At dahil hindi ko alam kung anong theme ng party na iyon ay isang black and white na sleeve shirt, with a pair of black pants and a white nike rubber shoes. Sama mo na din iyong relo na sinuot ko.
Nag-ayos ng buhok, nag-pabango ako saka bumaba.
"Guwapo naman ng anak ko." Ngiting sabi ni Dad.
"Mana sa'yo Dad." At natawa si Dad. "Let's go." At saka kami lumabas at sumakay sa kotse ni Dad.
"So how's Ysabel?" At natawa ako. Hindi ko pa kasi nasasabi kay Dad na break na kami ni Ysabel eh kaya niya tina-tanong niya kung kamusta na si Ysabel.
Pero tanging tawa lang ang sinagot ko dahil maski ako hindi ko alam ang sagot kung kanusta na si Ysabel.
"At your age, I already have a girlfriends." At napatingin ako sa kaniya.
"Girlfriends?"
"Yeah." At natawa ako. "But there's this one girl that I really love the most." At napatingin ako kay Dad. "And yet we broke up."
"Why?", Curious kong tanong.
"Because of what I did."
Mukhang interesting ang kuwentong ito ah.
"She forgave me after what I did. Hindi ko deserve ang yon, pero pinatawad niya pa din ako. At dahil doon, napagtanto ko nang siya na yong babaeng para sa akin." At nakangiti si Daddy habang nagku-kuwento.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Novela JuvenilPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024