XXIII. ADRIAN
Palinga-linga ako dito sa university-sa parking lot actually. Hini-hintay si Ysabel. Mula pa kasi kaninang umaga ay wala siyang reply sa akon. Hindi naman sa pagiging clingy boyfriend pero kapag nagte-text ako ng good morning sa kaniya ay nagre-reply siya bago mag-tanghali. Pero ngayong quarter to 1 na ay wala pa din siyang reply. At mula pa kaninang umaga ay hindi ko pa siya nakikita dito sa university. Nasaan kaya yon? Masyado ba siyang busy at naka-limutan niya ako.
But that's not so her. Kaya nagtataka ako kung bakit siya ganoon ngayon. Okay naman kami kagabi nang mag-punta ako sa kanila. Hindi naman siya galit sa akin, in fact ay ang saya-saya namin kagabi dahil sa panonood ng A Thousand Words na pinagbi-bidahan ni Eddi Murphy. At hindi din kami nag-away. At sure akong wala akong ginawa na alam kong ikakas-ama ng loob at ikaka-galit sa akin ni Ysabel. Kaya bakit hindi siya nagre-reply sa mga texts ko?
Hindi ko din matanong si Stanley kung anong nangyari kay Ysabel dahil hindi siya pumasok. Ganoon din si Kuya Travis, wala sa room nila nang puntahan ko. Kahit si Criza at Raiza ay hindi raw pumasok.
Kaya ito ako ngayon, naka-sandal sa gilid ng kotse ko naghi-hintay and hoping na isa sa kanila ay makita ko upang mapag-tanongin.
Nasaan kaya ang mga iyon? At lahat pa sila ay wala ah. Nag-usap-usap ba sila na huwag muna pumasok ngayon? Bakit hindi ako na-inform diba? Nakaka-tampo eh. Parang hindi ako belong, eh girlfriend naman ako ni Ysabel.
Awhile ago ay tina-tawagan ko ang cellphone number ni Ysabel. Pero ring lang ito ng ring.
Naisip ko naman na busy siya kaya hindi niya nasa-sagot ang texts and calls ko. Pero kasi hindi siya ganoon. Magsasabi siya na busy siya. Magsasabi siya kung ano ang ginagawa niya.
Pero sa nangyayari ngayon, ay hindi ko alam.
Nakakaramdam na lang ako ng kaba sa mga naiisip ko eh.
Hindi kaya may nangyari kay Ysabel? O about doon sa gang niya? May nangyari din ba kila Kuya Travis at Stanley kaya hindi sila pumasok? Sabay-sabay ba naman silang nawala eh. Tapos pare-pareho silang mga gangsters diba? Kaya nasaan talaga sila ngayon?
Kinakabahan tuloy ako sa mga naiisip ko. Sana lang walang nangyaring masama sa isa man lang sa kanila.
Pero dumaan ang ilang minuto na malapit nang matapos ang lunch break ay wala man lang akong nakitang pulang kotse na nag-park dito sa parking lot. Wala din akong nakitang Ysabel o Stanley na bumaba o naglalakad dito sa parking lot.
Nasaan na ba sila?
"Tol oh, kumain ka na. Hindi ka kumain ng lunch eh." Sabay abot ni Henry ng isang cheeseburger at isang coke in can.
"Wala akong gana." Sabi ko at nakatingin pa din sa hallway na malapit sa gate nitong university.
"Hindi puwedeng hindi ka kumain. Magba-balance tayo sa major mamaya." Sagot naman ni Caleb.
Oo nga pala. Nakalimutan ko na iyon dahil sa pag-iisip ko kila Ysabel. At mukhang mamaya ay hindi ako makapag-focus sa balancing dahil sa pag-iisip ko kung okay lang ba sa mga oras na ito si Ysabel.
Pakiramdam ko kasi ay may nangyari. And it just don't feel right.
Na sana wala lang iyon.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024