That Same Old Hometown

0 0 0
                                    

LV. ASH



"Welcome to my hometown guys!", masayang bati ni Lacey nang makababa kami ng bus dito sa may terminal nila.

"Ito na 'yon, Lacey?", rinig ko ring tanong ni Stanley na parang dismayado. Siniko tuloy siya ni Lacey sa tiyan tapos siya naman ang lakas maka-OA, hinawakan pa ang tiyan niya at hinihimas ito. " Ang sakit n'on Lacey ah."

"Ano ka ba naman Stanley, probinsya 'to. Hindi Maynila." Sagot naman ni Lacey. Kaya ayon nag-asaran na silang dalawa doon. Hinayaan ko lang silang dalawa dahil alam kong namiss nila ang isa't-isa kahit nagkikita sila doon sa university. Alam ko ring natutuwa ang kalooban ni Stanley ngayong makakasama niya si Lacey ng medyo matagal.

Lumayo naman ako ng kaunti sa kanilang dalawa dahil ang iingay nila. Miss naman nila ang isa't-isa pero ewan ko ba at hindi na lang sila magyakapan. Ang ingay-ingay pa. Sa sobrang iingay nga nilang dalawa ay pinagti-tinginan na sila. Sabihin ko sana na it's just there love language. Pero huwag na lang, hindi naman kami close no'ng mga tao.

Tiningnan ko ang paligid. Mukha namang tahimik dito. Kakaunti lang din ang tao. Perks ng mga probinsya, kakaunti lang ang tao kaya talagang tahimik. Hindi ko alam kung saang lugar 'to. Pero we're still in the Philippines.

Inilibot ko ang paningin ko dito at nakita ko sa tapat namin ang isang malaking plaza. Kaka-off lang ng mga lights kasi umaga na. Sa likuran naman namin ay isang malaking palengke na parang mas malaki pa sa palengke ng balintawak. Sa gilid naman ay may mga mini-grocery store na maraming nakapilang mamimili. Sa kabilang gilid naman ay may statue ng isang lalaki na may dalang sibat upang manghuli ng isda. At sa katunayan ay parang hindi ito terminal, sadyang dito lang kami binaba. Itong binabaan kasi namin ay isang covered court. Siguro ay ginawa na lang nila itong terminal dahil parang hindi naman ito ginagamit para maglaro ng basketball.

Naramdaman kong humangin dahil medyo malakas ito kaya talagang nagulo ang buhok. Kasabay niyon ay huminga ako ng malalim dahil naiisip ko ang mga taong naiwan namin sa Maynila.

Sila Kuya Travis, si Levi, ang mga kagrupo ko? Anong ginagawa nila ngayon doon? Wala kasi sa akin ang cellphone ko, ewan ko kung saan. Sana lang ay okay lang sila doon. Sana ay walang mangyaring masama sa kanila.

Huminga muli ako ng malalim habang nakatingin sa mga puno na sumasabay sa ihip ng hangin.

Nasaan kami? Anong gagawin natin dito? Anong ginagawa namin dito? Bakit kami nandito? Ilang araw kami dito? Inilayo ako ni Adrian sa bahay ni Samuel saka dinala ako rito. Bakit? Para saan? Nagtatagi ba kami sa Murderous Aces? Bakit kami nagtatagl eh kaya ko namang labanan ang mga iyon. Ilang araw kami rito? Gusto ko ng bumalik sa Maynila at puntahan sila Kuya Travis upang tulungan sa gang war na iyon. Hindi ko iiwan ang kapatid kong iyon. Hindi ko hahayaang mag-isa lang siya sa away na iyon. Dapat nandoon ako sa tabi niya habang nakikipag-away. For him to know that I have his back. We have each other backs. Pero bakit ako nandito?

Dinala ba ako ni Adrian? Eh diba si Adrian ay traydor? Na all along ay niloloko niya lang ako? Na niloloko lang kami dahil kaanib siya ng Murderous Aces? Does that mean ba pupunta rin dito sila Samuela upang kunin kay Adrian? At ito namang si Adrian ay ibibigay ako kay Samuel na iyon dahil nga ay magkagrupo sila. Kung ganoon bakit niya pa ako kinuha sa bahay ni Samuel kung ibibigay niya lang din pala ako doon kay Samuel? Bakit napunta po kami sa lugar na ito kung ibibigay lang pala ako pabalik kay Samuel.

Pero si Stanley. Kasama namin ngayon si Stanley. Does that mean ba ay traydor din siya? Na all along tina-traydor niya lang ako? No! Stanley's not like that person. Kailanman ay hindi niya kami trinaydor bagkus ay tinulungan pa nga niya kami sa tuwing may problema sa gang at nagpa-plano. Kaya naniniwala ako na hindi traydor si Stanley.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now