That Same Old Brother

1 0 0
                                    

XLI. ASH


October na this month at inaayos na ng ibang mga teachers ang gaganaping Foundation Day na hindi ko alam kung kailan gaganapin.

This week kasi ay screening ng Mr. & Ms. St. Mary. Pageant dito sa university namin. Dito sa room namin ay si Miguel ang pinasali sa pageant. Pinasali siya ng dalawa naming Prof sa major subject. Just like what Miguel said, sapilitin siyang pinasali. Pero in the end nakapasok naman siya.

And until now ay nasa Auditorium ang mga gustong sumali sa pageant. Isama mo pa ang dalawang Prof namin na naka-assign sa screening at pag-aayos ng pageant. Kaya wala kaming Prof hanggang ngayon.

Sa laki ba naman ng university namin at daming estudayante ay malabong matapos ng isang araw ang screening.

11 AM ang pasok namin ngayon pero simula kanina ay wala man lang pumasok maski na isang Prof sa amin. Kung alam ko lang na ngayong araw ang screening, hindi na lang sana ako pumasok. Natulog na lang sana ako o kumain sa bahay. Matutuwa pa ako.

At ngayong 3 na ng hapon ay wala pa ding pumasok na Prof sa amin. Kasi nga diba nasa screening. Sila ang mga nagi-interview sa mga estudayanteng gustong sumali ng pageant.

Sumali nga sila Jasmine at Kyline, pero wala pa kaming balita kung pasok ba sila o hindi.

Baka madami pang mga contestant ang nandoon.

Napahikab ako dahil sa antok. Inaantok na kasi ako at gustong-gusto ko ng umuwi para matulog. Yong mga kaklase ko naman ay kanina pa mga tulog, yong iba nga sa kanila ay may dala pang unan at kumot. Ready ah? Kung alam ko lang na ganito ang ganap ngayon ay baka nagdala na lang rin ako ng mga iyan.

Kanina pa kasi talaga kami dito sa university pero dahil nga may screening, wala ng pumasok na Prof. Dapat kahit isa lang ay pumasok para sabihin na puwede ng umuwi ang ibang hindi sasali sa pageant. Dapat ganoon na lang para naman makatulog ako.

Napuyat din kasi ako kagabi. Pinanood ko kasi ulit ang buong Loki Season 1 dahil pinalabas na ang Season 2. Nakalimutan ko na kasi ang nangyari sa Season 1 kaya pinanood ko ulit.

Sa sobrang tuwa ko kakapanood ay hindi ko na namalayan ang kras na madaling araw na pala. Pero kahit na madaling araw na ay hindi ko pa rin natatapos ang Season 1 ay nanood lang ulit ako at pinabayaan ko lang ang oras. Wala naman kasi akong magagawa para ibalik ang oras para gu-mabi ulit.

Dahil hindi ko na kaya ang antok ko ay nilagay ko sa mesa ang dalawang braso ko at ipinatong ang ulo ko para ipikit ang mata.

Pero ewan ko ba, narinig ko ang pagtawag ng pangalan ko ni Raiza ng pagkalakas-lakas. Tipong nawala lahat ng antok ko dahil sa lakas ng boses niyang iyon.

Agad-agad ko namang inangat ang ulo ko para tingnan siya dahil tinawag niya ako. Actually, lahat kaming nandito sa room ay nakatingin sa kaniya. Except kay Criza na nasa cafeteria at kumakain. Narinig niya kasi sa mga kaklase na may Baked Mac na nandoon, eh favourite niya iyon kaya walang ano-ano ay kaagad na pumunta siya doon.

Nang makita ko naman ang mukha niya ay hindi ko alam kung ba talaga ang reaksyon niya. Halo-halo kasi ang emosyon na nakikita ko sa mukha niya ngayon. Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya, nagagalit, o natatakot o maiiyak.

Pero bakit naman siya matatakot? May nangyari ba?

"What?", tanong ko naman kaagad sa kaniya.

"Si Kuya Travis." Hingal na hingal na sabi ni Raiza.

Bakit ba siya hingal na hingal? Inikot niya ba itong university namin? Nag-jogging ba siya at this hour?

Pero anong mayroon kay Kuya Travis at tila ba hingal-hingal siya?

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now