XX. ADRIAN
It's been two days mula nang magka-ayos kami ni Ysabel. At naisip ko lang din awhile ago na kung ginawa ko kaya sa kaniya noon ang ginawa ko kagabi ay matagal na kaming nagka-ayos at nagka-balikan.
Pero dahil tanga ako ay hindi ginawa. Hindi niyo din naman ako masisisi diba? Galit ako kay Ysabel. Nakaka-galit naman kasi iyong ginawa ni Ysabel eh. Wala man lang akong narinig na explanation sa kaniya. Ni pag-tanggi sa picture na iyon ay wala akong narinig. That's why I let her go. Akala ko ay tututol siua sa sinabi kong iyon. Pero nag-kamali ako, kaagad siyang pumayag. Without any seconds, pumayag siya. And that makes me angry.
Tapos makikita ko pa si Ysabel dito sa University na may kasama siya. Na kasama niya na si Stanley. Agad-agad. Parang nakaka-gago lang. Pinag-palit ako after two days ng break up. At habang nagagalit ako sa kaniya-sa kanila, hindi ko naman maita-tangging nasasaktan ako. Siyempre mahal ko siya eh. Mahal na mahal ko si Ysabel.
Bago ang gabing iyon, bago ako pumunta kay Ysabel ay nagisip-isip ako. Na baka tama si Stanley na nahihirapan si Ysabel sa sitwasyon namin at hindi lang ako. At isa pa, kinausap ako ni Kuya Travis noong araw bago ang kinabukasan na pag-punta ko kila Ysabel. Na kung okay lang sa akin, kausapin ko si Ysabel at makipag-balikan na sa kaniya. Hindi lang naman daw si Ysbael ang nahihirapan sa aming dalawa. Sila daw kasi ang mas stress sa relasyon naming dalawa.
Kung sila ay stress ako naman ay nasasaktan. Nasasaktan sa maling pagkakataon. Pagse-selosan ba naman daw si Stanley na pinsan ni Ysabel. Isang nakaka-diring pangyayari.
Kaya kahit malalim na ang gabing iyon ay pumunta ako kila Ysabel. Nagbabaka-sakali na maging okay kami ulit.
Ine-expect ko na makikita ko siyang galit sa akin, kinamu-muhian niya ako. Pero nakita ko siyang umiyak. At iyon ang ayaw kong makita mila sa kaniya. Kung nasasaktan siya, mas nasasaktan ako.
We talked a lot that night. Mula sa dahilan ng pagbi-break namin, sa picture na mag-kasama sila ni Stanley. Akala ko talaga hotel iyon, kuwarto lang pala iyon ni Stanley. Ang yaman pala ng isang iyon. At kaya pala hindi nagse-selos si Stanley nang minsang pag-selosin ko siya noong nasa clinic kami. Ayon pala, alam niya iyon.
Hanggang sa maalala ko yong sinabi ni Daddy na baka iniwan lang ako ni Ysabel ay dahil may rason. At tama nga si Daddy, may rason si Ysabel.
Pero ang ipinagtataka ko, paano nalaman ni Daddy iyon? Hindi naman siguro sinabi ni Ysabel ang rason niya kay Daddy diba? Pero dahil hindi ko naman alam ang sagot, hindi na ako magta-tanong at mag-iisip ng tanong.
At hanggang sa dumating kami sa usapan about kay Olivia. Itanggi man niya ay nakikita at nararamdaman kong nagseselos siya. Ang cute nga niya mag-selos eh. Tini-tingnan niya ako ng masama, akala mo sasaksakin niya na ako. Sasaksakin ng pagmamahal.
But I assured her thay Olivia and I are just friends. Nothing more, nothing less. Para wala siyang ika-bahala kay Olivia. At kahit hindi man sinabi ni Ysabel na layuan ko si Olivia, alam kong iyon ang nais niya. Pero kahit sabihin niya iyon ay baka hindi ko magawa.
I have my reasons that I cannot tell her. I gave my promise to them. That's why I cannot tell her anything.
And like what Ysabel said, she will protect me. I will protect her too no matter what. Even I have to risk my life. It's just okay, as long as I know it's for Ysabel.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024