That Same Old Visitor

0 0 0
                                    

XV. ASH



Righ after ng dinner kagabi ay umuwi na si Stanley sa kanila. Masyado na daw kasing gabi. Pinilit ko pang dito na siya matulog sa amin dahil naka-inom siya. Naka-inom kami doon sa bar. Pero pinilit niyang umuwi dahil may gagawin daw siya sa isang subject niya. Babalik na lang daw siya once na matapos na iyong gagawin niya para laruin ang mga baril na na-panalonan ni Kuya Travis doon sa Underground.

Hanep na Stanley na yon, lakas ng loob mag-aya ng bar, may gagawin pala sa isa niyang subject.

Buong araw ay nandito lang ako sa kuwarto naka-tingin sa kisame namin. Naka-tulalang naka-tingin sa ceiling hanggang ngayong magga-gabi na.

Kanina nga sa pag-kain namin kasama sila Mommy At Daddy ay tahimik lang akong kumain. Tanging iling at tango lang ang mga isinagot ko kapag nagta-tanong sila. Napansin ko din na parang pumayat si Daddy, pero hindi na ako nag-tanong dahil malakas naman siya at okay naman siya.

Sadyang wala lang talaga ako sa mood mag-salita.

Kaya itong gabi na din ay hindi pa din ako maka-tulog. Naka-tulala lang akong nakatingin sa ceiling.

'Hindi kita tina-takot Ash. Sinasabi ko lang, dahil baka isang araw magulat ka na lang...'

'One wrong move and he will die.'

Napa-buntong-hininga ako nang maalala ang sinabi n'ong caller.

Alam kong hindi si Kuya Travis ang tinu-tukoy n'on dahil alam kong alam nila na lalabanan talaga sila Kuya Travis kahit pa wala silang sinasabi.

Pero kung hindi si Kuya Travis iyon, sino ang tinu-tukoy nila?

Psh. Parang sasakit lang ang ulo ko kapag iniisip ko kung sino ang tinu-tukoy nila.

Huminga ako ng malalim ay saka pumikit. Pero maya-maya may kumatok. At dahil naka-lock ang pintong iyon ay bumangon ako para buksan iyon.

Si Daddy ba ito? 11 PM na ah. Hindi ba puwedeng bukas na ito? Hindi ba puwedeng bukas niya na lang sabihin ang gusto niyang sabihin. Hindi naman ako pagod, hindi rin antok. Sadyang gusto ko lang mahiga dahil wala ako sa mood ngayong araw.

"Puwedeng pumasok?", Tanong ni Kuya Travis nang buksan ko ang pinto.

"Hmm. Bakit?", Tanong ko at natawa siya. "Oh tawa ka diyan?", Kunwaring inis kong tanong. Pero si Kuya? Pumasok na kaagad sa loob kahit hindi ko pa pinapa-pasok.

At umupo siya sa gilid ng kama ko.

"So anong gagawin mo dito sa kuwarto ko? Gabi na oh." Sabi ko.

"Naka-usap ko si Adrian..." At huminga ako ng malalim. Ag saka naupo doon sa upuan ng study table.

"And sinabi niya na break na kayo..." At tiningnan ko siya nang may kunot-noo.

"That was month ago, okay?", Sagot ko naman.

"And he thinks that you cheated on him with Stanley." At natawa na lang ako. Pagse-selosan niya si Stanley? Pagse-selosan niya ang pinsan ko? Hahaha.

"Let him think what he wants to think. As long as he's mad at me... Very mad at me. That's okay. In that way... I can protect him." Lungkot kong sabi.

"Paano ka nakaka-siguro na mapo-protektahan mo siya?"

"In thay way, hindi siya mada-damay sa away natin... In that way, hindi siya makikilala nila."

"Pero masaya ka ba?", At gulat ko siyang tiningnan.

"Seryoso ka ba sa tanong mo?", At natawa siya. "Siyempre hindi!"

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now