That Same Old Song

0 0 0
                                    

XXI. ASH


Kaninang umaga ay nagising na lang akong sa kama ko nang nasa harap kong nakaupo si Stanley. Na nakatitig sa akin. Nagulat nga ako nang magising akong nasa harap ko na siya. Tapos ang creepy pa dahil doon sa ginawa niya. Hindi ko alam kung trip niya ba yon o na-stroke siya o kaya naman na-starstruck siya sa ganda ko.

Naku, kung hindi ko lang siya pinsan, masasabi kong stalker iyon at manyak. Pagmasdan daw ba habang tulog? Sinong matinong tao ang gagawa n'on diba? Pero dahil si Stanley iyon na isang abnormal, eh pag-pasensyahan ko na. Magpa-palibre na lang ako doon sa susunod.

Tinanonh ko siya kung anong oras pa siya nandoon na nakaupo sa harap ng kama ko. At  alam niyo ang sabi? Madaling araw pa daw siyang nandoon sa puwesto niya. Wala naman siyang sinabi kung anong oras, basta madaling araw na siyang nandoon.

Nag-isip tuloy ako kung anong oras umuwi si Adrian kanina. O baka naman nagkita sila bago ako magising kaya nandito na si Stanley sa kuwarto ko.

Nag-tanong si Stanley sa pag-iisip ko kanina. Lutang daw kasi akong nakatingin sa kaniya. Aba! Kakagising ko lang eh, lutang talaga. Mabuti nga siya, fresh na ng makaharap ko siya. Hindi ko tuloy siya maasar. Pero ayon nga, sinabi ko sa kaniya na okay na kami ni Adrian at kami na ulit, noong isang gabi pa. Pati na iyong magiging set up namin sa university once na magkita kami doon.

At hindi na siya nagulat doon sa kinuwento ko. Alam niya raw na ganoon ang mangyayari sa aming dalawa ni Adrian. Sadyang pinatagal lang daw gawin iyon ni Adrian. At ngayon ginawa na daw ni Adrian, nag-lakas na raw ng loob.

Saludo na daw siya kay Adrian sa pagiging tanga nito.

Pinag-tripan pa nga si Adrian.

At dahil maaga pa kanina ay tinanong ko siya kung bakit niya naisipan na doon tumambay sa kuwarto ko. And the worst? Tingnan ako habang tulog. Puwede naman kasing gisingin na lang ako, hindi yong titingnan ako habang tulog. Diba?

At ayon sa kaniya ay pumunta sa US ang parents niya. Tumango na lang ako dahil nasa US din sila Mommy eh. May emergency daw kasi kaya right after sa Japan, tumungo agad sa US.

Paano yong honeymoon nila Mommy and Daddy? Natuloy kaya yon?

At dahil mga maids lang ang kasama ni Stanley doon sa bahay nila ay pumunta siya dito sa bahay namin. Welcome naman siya dito sa amin kaya anytime ay puwede siyang pumunta dito. Para mam-buwesit, mang-inis, kumain at matulog. Oh diba, may pangalawang bahay ang mokong.

At dahil sa mahaba-haban naming pagku-kuwentuhan. Hindi ko namalayan na 8:30 AM na pala ng umaga. Tapos 8 ang first class ko ngayong araw. Hindi man lang sinabi ni Stanley na 8:30 na. Kung hindi pa sumi-sinag ang araw sa balat ko, hindi ko pa malalaman. Puro chismis kasi itong si Stanley, ka-aga aga eh.

Kaya ayon, nagma-madali tuloy akong maligo at mag-ayos. Imbis na kumain pa ako ng breakfast eh pinama-dali ko na lang si Manang na gawan ako ng tatlong sandwich at isang bottled water.

Natatawa pa nga si Stanley nang makita niya ang ginagawa kong pagmamadali. Kung hindi lang ako nagma-madali baka sinapuk ko na ang lalaking iyon.

Mabuti nga at dala niya ang kotse niya. Minsan kasi ay wala siyang dala. Minsan nga, ay sa akin pa siya sumasabay. Akala mo naman eh, nagbi-bigay ng pang-gas. Pero noon yon, wala na akong kotse eh. Diba nga binigay ko na kay Levi. And until now ay hindi pa ako nakakabili. Pinag-iisipan ko pa kasi kung kotse ba ang bibilhin ko o motor.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now