That Same Old Room

1 0 0
                                    

XLIX. ASH




Nakaramdam ako ng sobrang pagka-lamig kaya napa-dilat ako ng dahan-dahan upang hilahin ang kumot na naramdaman kong nasa tiyan ko.

Pero ilang minuto lang ang nakalipas ay tila ba lalong lumakas ang lamig dito sa kuwarto. Kaya kahit hindi ko pa masyadong kaya dahil sa sugat at tama ng baril na ginawa ng Violet Claws sa akin ay dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at inilibot ang paningin ko dito sa loob ng kuwarto.

Antok na antok akong tiningnan ang paligid. At unti-unting lumaki ang dalawang mata ko. Tila ba nawala kaagad ang antok ko nang makita ang kabuoan nitong kuwarto.

Paano ba naman kasi hindi ito ang kuwarto ng ospital. Hindi ganito ang disenyo ng mga kuwarto sa ospital. Hindi white ang pintura ng mga dingding kundi dark blue at may mga abstract painting. Sa ceiling naman ay isamg malaking chandelier na nagsi-silbing ilaw dito sa buong kuwarto. Tapos idagdag mo na rin iyong mga aparador na nasa tapat mg kama. And lastly, itong kama ko ngayon ay hindi lang single bed tulad ng mga nasa hospital kundi isa siyang queen sized bed. Kaya sigurado akong hindi ito ang ospital. And espesyal ko naman kung ospital 'to diba? Halos parang hotel na 'to eh.

Kung hindi ito ospital, kaninong kuwarto ito? Kung wala ako sa ospital ngayon, nasaan ako?

Kaya imbis na bumangon ako dahil papahinaan ko ang aircon ay bumangon ako at mahinang naglakad patungong pinto. Mahina lang akong naglakad dahil hawak-hawak ko ang sugat ko sa tagiliran.

Pero kumabog ang dibdib ko ng ipihit ko ang door knob at napag-alaman kong naka-lock itong pinto. Nakakasigurado na nga ako na wala na ako sa ospital ngayon.

Lumingon naman ako sa aking likuran at nakita ko ang sliding window, malaki naman iyon at kasya ako if ever na tatalon ako. Pero sure ba ako? Sa kalagayan kong 'to tatalon pa ako?

Nagtungo naman ako sa  bandamg bintana saka ito binuksan. At nakita ko na lamang na ang taas dito sa puwesto ko. Baka nga nasa third floor ako ng bahay ng kung sino man. Sa mga oras na ito ay wala akong lakas na tumalon dahil sa mga sugat at sakit kong iniinda ngayon. Isinarado ko na lamang ang bintanang iyon at napa-hingang malalim.

Nasaan ba talaga ako ngayon? Kaninong bahay ba talaga ito? Bakit ako nandito? At ang panghuli, sino ang nagdala sa akin dito? Anong kailangan nila sa akin? Bakit ako dinala dito? May na-ngidnap sa akin?

Teka nga, kidnap bang matatawag ito? Kidnap bang matatawag kung ganito kaganda at kaaliwalas ng paligid? Hindi ba dapat magulo ang mga gamit at mukhang bodega ang paglalagyan ng kinidnap? Bakit dito, ang lively tingnan? Tapos mahahalata mo pang mayaman ang kumuha sa'yo dahil sa malakinh chandelier na nasa gitna.

At teka nga ulit bakit wala rito si Adrian? Bakit wala dito sa tabi ko si Adrian? Bakit wala si Adrian dito sa loob pag-gising ko? Eh diba nga nagsabi ako sa kaniya? Nagsabi ako sa kaniya bago ako sinugod dito sa ER kanina. Nasabi ko nga ba talaga sa kaniya iyon?

Ah basta nagsabi ako sa kaniya. Kaya nasaan siya ngayon. Bakit wala siya dito sa tabi ko? Ay talagang hindi siya pumunta dito? Hindi siya pumunta dahil nakalimutan niya o sadyang ayaw niya lamg akong puntahan? O sadyang pinigilan siya ng girlfriend niyang si Olivia? Psh. So that girl is very important to him now? At sa sobrang importante ng Olivia na 'yon, hindi na ako pinuntahan ng Adrian na 'yon. Tss. Bakit pa nga ba ako umasa na pupunta sa akin ang lalaking iyon? Eh diba nga galit ako sa kaniya? Break na rin kami diba? Tapos ang lakas pa mg loob ko mag-request na sana pag-gising ko ay nandoon siya? Wow Ysabel. Just like wow. Ang kapal naman ng mukha ko kung ganoon?

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now