That Same Old Feelings

0 0 0
                                    

VIII. ADRIAN



Nakita kong napa-hawak si Ysabel sa ulo niya habang naka-talikod sa akin. And the next thing we saw nawawalan siya ng balanse kaya any moment ay babagsak ang katawan ni Ysabel dito sa court.

Kaya kahit magka-hawak kamay kami ni Olivia ay pilit kong tinanggal iyon at nag-madaling lumapit kay Ysabel upang saluhin. Upang hindi siya bumagsak doon sa sahig.

"Ysabel? Ysabel?", Tawag ko sa name niya pero hindi siya magising. Kaya ang ginawa ko ay binuhat ko siya at tumayo ako.

"Red no." Seryosong sabi ni Olivia. "Yong usapan natin." Napatingin ako kay Olivia.

Hindi ko kayang hayaan si Ysabel. Lalo na ngayon na alam kong nasa mga bisig ko siya at buhat-buhat ko siya.

At tiningnan ko si Olivia na punong-puno ng kalungkutan sa mukha.

"I'm sorry Olivia." Sabi ko at dali-dali na akong tumungo sa clinic dito sa university.

"Nurse, bigla hong nahimatay ang girlfriend ko." Bungad ko sa nurse na may sinu-sulat siya sa papel.

"Oh sige, ilagay mo na lang siya doon sa kama." At sinunod ko naman ang sinabi ng nurse kaya inilapag ko ng dahan-dahan si Ysabel doon sa kama.

Nang mailapag ko na si Ysabel sa kama ay kasabay niyon ang pag-ring ng bell. Hudyat na tapos na ang lunch break. Kaya tumayo na iyong nurse at nag-salita sa amin.

"Nag-bell na, balik na kayo sa classroom niyo. Ako nang bahala sa kaibigan niyo." At nag-tinginan kaming mga nandito sa loob.

Nakita ko pa na sama-sama at matalim na tini-tingnan ako ni Criza.

Tss. Bakit ba siya ganiyan maka-tingin sa akin? Parang any moment by now ay parang sa-saksakin niya na ako eh.

At saka bakit ba galit na galit siya sa akin? Anong ginagawa ko sa kaniya at ganiyan siya maka-tingin sa akin?

Dahil ba may bago na akong girlfriend? Ano naman sa kaniya? Ni hindi nga nagalit si Ysabel sa akin eh or wala akong narinig mula sa kaniya? At bakit naman siya magre-react doon, eh siya itong may bagong boyfriend agad. Ni hindi pa man kami break, kayakap niya na ang lalaking iyon. Kaya walang karapatan si Ysabel at Criza at kahit sino pa man para magalit sa akin sa ginawa ko.

I wonder kung kailan pa ako niloloko ni Ysabel? Tsh. When I always thought of that, it makes me feel sick.

Hindi ba alam ni Criza na si Ysabel iyong nag-cheat? Tsh. Bakit hindi siya doon magalit?

"Let's go Adrian." Rinig kong sabi ni Henry pero umiling ako.

Lumabas sila ng clinic at nakita ko pang ang sama pa din ng tingin sa akin ni Criza.

"Babantayan ko muna si Ysabel." Tumango ako. At nakita ko silang apat na worried na worried doon sa kung anumang nangyari kay Ysabel.

Hindi ko din naman sila masisisi dahil 7 months nang maging kami ni Ysabel ay napalapit din sila kay Ysabel. Nag-selos pa nga ako noon kay Caleb. Hindi ko alam kung bakit ko pinagse-selosan yon eh. Mas guwapo naman ako.

Nang makalayo na sila ay pumasok ako agad sa clinic at nakita kong gulat na gulat iyong nurse. Parang nakakita ng multo. Mukha ba akong multo? Sa guwapo kong ito, multo? Ang guwapo ko namang multo?

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now