That Same Old Explanations

0 0 0
                                    

LVI. ASH



Umupo kaming dalawa ni Adrian sa upuan na nasa gilid ng bahay nila Lacey. Magkatapat kami ni Adrian ngayon. Ayaw ko kasi siyang katabi. At sa mga oras na ito at hindi ko alam bakit ako tinitingnan ni Adrian. And awkward tuloy. Mga tingin niya kasi parang lalamunin na ako ng lupa o kaya naman ay titibok ng sobrang bilis ng puso ko. Akala mo kinikilig itong sistema ko eh. Samantalang si Adrian lang naman 'to. Hindi na siya bago sa buhay ko. Psh. Pero maka-react akala mo first time na magkikita kami. Akala mo hindi ako nagalit, nainis, nasaktan dahil sa lalaking 'to. Tss.

"Ysabel-"

"Adrian-"

Shit! Bakit niya ako tinawag? At bakit ko rin siya tinatawag? Anong sasabihin niya sa akin? Ano rin ang sasabihin ko sa kaniya? Eh diba dapat siya itong may sasabihin sa'kin? Siya ang maraming explanations ngayon at hindi ako. But overall, bakit kami nagkasabay magsalit?

"You first." Saad ko. Kasi nga diba siya ang mage-explain ng mga bagay-bagay. At ako? Hindi ako magsasalita. Makikinig lang. At kung may mali man sa mga sinabi niya, tiyak lulunurin ko siya sa dagat lalo pa at kagabi na namin ang dagat ngayon.

"I know that I owe you a lot of explanations. So now, anong gusto mong malaman?"

"All of them. From the very start."

"The day we broke up." At naghihintay akong nakatingin sa kaniya. "Bago ko kayo makita ni Stanley, may nag-send sa'kin ng picture niyo ni Stanley sa kuwarto niya. And we broke up that time. Pagtapos n'on, nagpunta ako sa bar."

Nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag. Kaya nalaman kong nagkaroon ng deal si Adrian at iyong Olivia. Iyon 'yong tutulungan nilang makapag-move on ang isa't-isa. Pero sa huli ay si Olivia lang ang nahulog kay Adrian. Dahil itong si Adrian ay ako pa rin ang mahal.

Alam niyo, no'ng narinig ko 'yon from Adrian ay gustong ngumiti ng labi ko. Pero mataas pa rin ang pride ko hanggang sa mga oras na ito kaya seryoso ko pa rin siyang tiningnan. Kahit deep inside ay gusto ko na siyang yakapin. No! Nakaka-tanggal ng angas kapag pinakita ko kay Adrian ang pagka-kilig ko sa sinabi niya. Ang lakas-lakas kong tao tapos kikiligin ako? Sa harap pa niya? No! Hindi puwede 'no! Mamaya na lang siguro kapag mag-isa na lang ako. Baka sa sobrang kilig ko pa rito eh gumulong-gulong na ako diro sa buhangin.

Naks naman Ysabel, ikaw pa rin ang mahal ni Adrian.

At dapat lang 'no! Ang ganda-ganda ko eh. Ang ganda-ganda ko para malimutan lang niya agad.

Nasabi niya rin sa akin iyong plano nila Kuya Travis. Everyone is involve in that plan too. The Dark Wolf, Snake Blade and the Red Scorpions are also involve. At iyong plano nila na alamin ang mga kaanib ng Murderous Aces. Para isa-isa nila itong patumbahin upang sa huli, ang Murderous Aces na lang ang makakalaban namin.

Pero bago nila magawa ang planong iyon ay dapat magkalapit muna si Olivia at Adrian. And Adrian succeed. Nagawa niyang mapahulog sa kaniya si Olivia. And Olivia turns out to be the sister of Aries. They are connected pala. That explains kung bakit magkakasama si Olivia, Samuel at Aries papasok sa malaking bahay na iyon. And it explains kung bakit nasa kuwarto ko si Olivia nang magising ako sa kuwarto ni Samuel.

Dahil nga nahulog na si Olivia kay Adrian ay nasabi niya ang mga gangs na kasabi ng Murderous Aces. Eh si Olivia kaya, gangster din? May gang din ba siya?

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now