That Same Old Luck

0 0 0
                                    

XLVI. ADRIAN



Pagkatapos ng sinabi ni Stanley kay Lacey ay pinamadali niya na itong magtungo sa room. Siguro kasi ay upang hindi malaman ni Lacey kung anong klaseng tao si Stanley. At kung ano ang kaya niyang gawin.

Kanina nga ay gulat na gulat siya dahil sa hawak-hawak niyang baril. Tipong hindi niya maisip na si Stanley ay nakakahawak ng baril.

Katulad ko ay nagulat din ako na isa palang gangster si Ysabel. Pareho kaming nagulat na ang mga taong mahal namin ay mga gangsters.

Sa madaling salita ay maamo man ang mga mukha nila ay nay mga tinatago silang hindi mi gugustuhing malaman. At hindi mo gugustuhing mangyari kapag nagalit sila.

Paglabas namin ng Dean's Office ay dumiretso kami sa parking lot patungong labas ng university.

Dahil madami kaming naglalakad sa hallway ay kaagad na nagsisitabi ang mga nasa hallway. Siguro kasi ay nasa unahan namin si Stanley at alam na alam nila na anak siya ng Dean at may-ari ng school o sadyang alam nila na parang nagmamadali kami. Nagtataka pa nga sila pero wala na akong pakialam.

Wala akong panahon para sagutin ang mga katanongan nila dahil iyong taong mahal ko ay nasa panganib ngayon. Nasa panganib na sana maabutan pa namin si Ysabel na wala pang nangyayari sa kaniyang masama. Sana ay walang ginawang masama sa kaniya si Samuel sa mahal ko.

"Ysabel!", napasigaw na lamang ako at nauna nang tumakbo sa kanila kuya Travis nang makita ko ang kalagayan ni Ysabel.

Nakahiga siya sa labas ng gate ng university. Nakahandusay siya sa sahig na may nakapalibot na dugo. It's her blood. Nakahiga siya sa dugo niya.

Shit! What did Samuel do to you Ysabel?! Tama si Kuya Travis huwag magtiwala sa kahit sinong Aces.

Dali-dali akong lumapit sa nakahandusay na si Ysabel. At nakita ko na lamang na nakapikit si Ysabel. Kaya ibinangon ko ng dahan-dahan si Ysabel ng may kaba sa dibdib.

"Ysabel... Ysabel..." Sabi ko sabay hawak sa kanang pisngi ni Ysabel pero hindi siya sumasagot. Lalong hindi rin siya dumilat o gumalaw.

Shit! Ysabel you have to wake up now or else. Hindi ko na alam ang magagawa ko sa araw na ito.

"Did someone saw who did this to Ysabel?", tanong ni Kuya Travis pero tanging iling lang ang narinig namin mula sa mga estudyanteng nakatingin sa amin.

"Nasaan ang mga naka-duty na guard dito?! Bullshit!", galit na sigaw ni Stanley pero hindi ko na siya nagawang tingnan dahil nakatuon ang pansin ko sa taong mahal ko na nasa mga braso ko.

Kinuha ko ang kamay ni Ysabel upang pakinggan ang pulso niya. Nakahawak iyon sa tagiliran niya kaya dahan-dahan kong kinuha ang kamay niyang iyon at tila ba narinig ko ang tibok ng puso ko nang makita kong doon nanggaling ang mga dugo na naglalabasan mula kay Ysabel. Na hanggang ngayon ay lumalabas pa rin ang dugo doon.

P*tang ina!

May tama siya ng baril sa tagiliran. All because of that fucking Samuel.

Nanghihina akong inilipat ang pulsohan ni Ysabel sa aking tenga.

I'm hoping that I'll hear a heartbeat of her. Dahil kung hindi ay hindi lang ako ang papatay kay Ysabel kundi marami kami.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now