LVIII. ADRIAN
Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kuwarto na kinaroroonan ni Ysabel. At nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng kuwarto. Nanatiling naka-tuwalya pa rin siya. And she's still crying. Umiiyak pa rin siya. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. Umiiyak siya na tipong nakakaramdam siya ng sobrang sakit. I couldn't blame her. Hindi man siya nasaktan physically, ay alam kong emotionally and mentally siyang nasasaktan. Wala mang masakit sa kaniya ngayon ay alam kong may nawala sa kaniya. At iyon ay dignidad niya. Ang dignidad niya na bilang babae. Wala mang ginawa sa kaniyang masama iyong mga lalaki, nananatiling parang nawalan pa rin siya ng dignidad. Ikaw ba naman ang silipin ng mga lalaking iyon. Na tipong wala ka namang ginagawa pero ikaw ang ginawan ng masama. You know what's worse? Ang akala namin ay safe na kami rito sa lugar na ito, iyon pala ay mapapahamak pa kami lalo. Na pati ang lugar na ito ay hinahabol ng gulo. Na pati sa lugar na ito ay mina-malas pa rin kami. Buong akala namin ay makakapamuhay kami ng simple, ayon pala ay hindi. Mas malala pa ito kaysa sa Maynila. At iyong pagsilip kay Ysabel habang naliligo siya, it's just below the belt. Kung sa underground ay puro pisikal na sakit lang ang matatanggap mo. Sa bagay na ito ay sobra-sobra na. Iyong pagkababae na ni Ysabel ang nakasalalay, tila ba naapakan ang dignidad ni Ysabel. Kung ako nga ay nasasaktan sa kalagayan ni Ysabel ngayon, paano pa kaya kay Ysabel mismo.
Sobra-sobrang trauma na naman ang maiiwan kay Ysabel, sobrang sakit niyon para kay Ysabel. At maski ako ay hindi ko alam kung paano iyon tatanggalin sa isipan ni Ysabel.
Hindi ko pa nga nakakalimutan iyong ginawa ni Samuel kay Ysabel eh. Tapos biglang ito na naman? Sa pangalawang araw pa na pananatili namin dito.
It's bullshit.
Lumapit ako kay Ysabel na patuloy ngayon sa pag-iyak. Sa sobrang iyak niya ay hindi niya namalayan na nasa harap ko na siya. Kung hindi ko pa siya tinawag ay hindi niya ako mapapansin sa harap na nakaupo sa harap niya.
"Ysabel..." Mahinang sabi ko sa kaniya and it's enough para marinig niya ako.
Tumingin agad sa akin si Ysabel ay nakita kong magang-maga na ang dalawa niyang mata. Sa sobrang maga ay luluwa na ang mata niya. Parang mas malala pa ito kaysa noong nakaraan. Mas malala pa ang pag-iyak ngayon kaysa noon. It's my fourth time to see her cry. Because it's her body. Katawan at dignidad niya ang natapakan. At kapag iyon ang nangyari, malulugmok ka. Lalo pa at hindi mo kilala ang mga nambastos sa iyo.
"Ysabel... I know I can't do anything to ease that pain. But I just want to let you know that I'm here. I'm here for you. That whatever happens, I will always be here for you..." Sabi ko at patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ni Ysabel. Pero nakatingin na siya sa akin. Nakatingin iyong dalawang mata niyang lumuluha sa akin.
Dahil sa mga mata niyang iyon ay sinisisi ko itong sarili ko. Pinaubaya siya sa akin ni Kuya Travis upang protektahan. Upang ilayo sa kapahamakan. Pero pinabayaan ko siya. Iniwan ko siya rito sa bahay. It's all my fault. Kung hindi ko lang iniwan si Ysabel at kung binantayan ko lang siya ay hindi mangyayari ito. Hindi siya iiyak ng sobra-sobra ngayon. Hindi ko siya makikitang umiiyak sa harapan ko ngayon. Kundi isang malaking ngiti ang makikitabki kay Ysabel at hindi itong pag-iyak niya.
It's my fault that's why it happened. Ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. Nang dahil na naman sa akin kaya siya umiiyak. At eto ako, I was just watching her cry. I can't do anything to ease that pain. I can't do anything but to watch her cry.
"Ysabel, I'm sorry... I'm sorry for not being there to protect you... I'm sorry that I can't do anything for you to stop crying. I'm sorry, Ysabel. It's all my fault. Kung sana ay hindi na lang ako sumama kila Stanley at binantayan na lang kita. Edi sana hindi mangyayari 'to. I'm sorry for telling you always I'm sorry..." Dahan-dahan kong sabi kay Ysabel dahil nakikita ko pa rin si Ysabel na patuloy na umiiyak.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Teen FictionPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024