XVIII. ASH
Nagising ako ng mga 10 AM at nagising akong wala na si Adrian sa tabi ko.
Iisipin ko pa sana na panaginip lang iyong nangyari kagabi pero nang maamoy ko iyong unan ko ay nandoon ang amoy ng pabango ni Adrian. Napangiti akong bumangon sa kama at nag-tungo sa CR upang mag-hilamos.
Pag-labas ko ay nabaling ang tingin ko sa bintana. Naka-sara lang iyon pero hindi naka-lock. Ayon, sign iyon na hindi talaga ako nanaginip kagabi.
Napangiti na naman ako habang nila-lock iyong bintana. Hindi niya siguro ito nai-lock no'ng umalis siya. Paano naman niya kasi ila-lock sa loob eh lalabas siya.
Alangang gisingin niya pa ako para i-lock iyon. Naku. Pero puwede din. Pero ayoko n'ong makikita ko siyang unalis. Nakaka-lungkot iyon.
Pero bakit naman ako malulungkot eh magkikita naman kami sa university sa Monday, diba? Ayon nga lang, hindi kami magpa-pansinan. Pero at least diba magkikita.
Noong mga nakaraang araw kasi ay medyo busy sa school works kaya hindi ko nakikita si Adrian. At siguro din ay busy sila Adrian kaya hindi kami nagkiki-taan.
Tapos nang dalhin ako ni Stanley sa building at room nila ay hindi ko alam na mag-kaklase pala sila. Buwesit na Stanley yon, kung hindi ko pa nakita, hindi niya din sasabihin. Mabaril nga yon mamaya.
Bumaba na ako dahil nararamdaman kong gutom na ako. Siyempre anong oras na din ba ako nagising.
Nag-usap kasi kagabi ni Adrian kung kamusta siya noong mga nag-daang araw. Tapos sinabi niya pa na kina-kamusta daw ako ni Tito David pero dahil break na kami eh wala raw siyang mai-sagot. Kaya natawa ako doon sa kuwento niya.
And then he told me na nag-I love you ako sa kaniya noong hinatid niya ako nang malasing ako. Tawang-tawa ako n'on dahil nakakahiya iyon. At saka magugulat pa sana ako n'on kaya lang sinabi na ni Kuya Travis na totoong pangyayari iyon. Sumakit pa tuloy ang ulo ko n'on.
And he even said sorry sa pag-sigaw niya sa akin no'ng minsanang magka-sagutan sila ni Criza doon sa basketball court. Alam niya daw kasi na ayaw kong sigawan ako, dahil hindi ako sanay sa ganoon. Kaya sorry siya ng sorry. He didn't meant it though. Sadyang inis lamb siya no'ng time na iyon. At dahil alam niya na raw na gangster ako, hinding-hindi niua na raw ako sisigawan kahit kailan at kahit nag-aaway kami dahil baka bugbugin ko lang raw siya. Natawa naman ako n'on dahil bini-bigyan niya ako ng idea.
Ang hindi ko lang natanong sa kaniya ay about doon sa girlfriend niyang si Olivia.
Ipagsa-sabay niya ba kami? Timer naman siya kapag ganoon diba?
Pero itanong ko na lang sa kaniya kapag nagkita ulit kami.
Nakarating ako sa dining table nang nandoon si Mommy, Daddy na bihis na bihis at si Kuya Travis na ngiting-ngiti. Akala mo baliw eh. Ano namang ngini-ngiti niyo ngayon? At dahil good mood ako ako ngayong araw, ayokong stressin ang sarili ko dahil lang sa pangit na pagmu-mukha ni Kuya Travis.
I both kissed Mom and Dad cheeks at tumabi kay Mommy. Si Daddy kasi ay nasa gitna, si Kuya Travis naman ay nasa tapat naming dalawa ni Mommy.
"Good mood ka ngayon Ysabel ah." Bati ni Daddy sa akin.
"Napasarap lang po ng tulog." Sagot ko.
"Mabuti naman, kumain ka na diyan." Ngumiti ako sabay kuha ng kanin at bacon.
"Ang saya mo yata ngayon Travis?", Comment naman ni Mommy kay Kuya Travis. Nakangiti kasi. Nakangiti habang nginu-nguya ang pagkain niya. Akala ko nga ako lang naka-pansin n'on sa kaniya.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Fiksi RemajaPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024