That Same Old Dreams

0 0 0
                                    

LXII. ASH

"Kailan tayo babalik ng Maynila?", tanong ko kay Stanley habang nakatingin sa malawak na dagat at naa-amaze sa ganda ng buwan na nagre-repleka sa madilim na dagat. Masarap din sa pakiramdam ang mahihinang alon na tumatama sa mga paa namin ni Stanley. Medyo malamig ang tubig niyon kaya sobrang sarap sa pakiramdam.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napatingin sa akin si Stanley sabay sindi ng yosi niya. Pero hindi ko siya tiningnan dahil nakatuon pa rin ang aking ayensyon sa madilim at malawak na dagat.

"Kung kailan okay na ang lahat." Sabay buga niya ng usok. Napatingin naman ako sa kaniya at tila ba naghihintay ng sunod niyang sasabihin.

"I want to help Kuya Travis. Hindi lang siya dapat ang nahihirapan." Sabi ko pero biglang natawa si Stanley.

"Sinabi ko rin 'yan kay Kuya Travis. And Adrian too. Pero ang sabi niya ay ilayo ka sa lugar na iyon. That's why we're here. Siya raw ang aayos nito dahil sa kaniya raw nag-umpisa ang lahat." At natawa ako sa sinabi niya sabay balik ang tingin ko sa dagat.

"He's still Kuya Travis that we know." Iiling-iling kong sabi.

"Siguro sa ngayon ay mananahimik muna tayo. Kunwari nasa bakasyon tayo."

"I don't want to be selfish right now, but I want to stay here. I want to be here." Sabay hinga kong malalim.

"Then be selfish, Ysabel."

"But I want to help Kuya Travis." At tiningnan ko siya nang may lungkot sa mata. Siya naman ay nakatingin din sa akin ng malungkot.

Siguro ay nalulungkot din siya dahil naiwan si Kuya Travis sa Maynila. Gusto rin niyang tulungan si Kuya Travis. Pero sadyang sinabi ni Kuya na magpakalayo-layo kami kaya nandito kami sa lugar na ito ngayon.

"Kuya Travis told us that he'll call us if he needs help." At natawa akong tiningnan si Stanley.

"At tingin mo manghihingi ng tulong si Kuya Travis?", tanong ko kaya natawa si Stanley.

"Ayon nga eh." Sabay kaming natawa. Humarap ako kay Stanley at akmang kukunin ang ang yosi na nasa kamay niya pero inilayo niya iyon sa akin. Kaya kaagad na kumunot ang noo ko.

Aba't pati ba naman sa yosi ay pagdadamutan niya ako? Sa chocolates nga ay pinagdadamutan niya na ako? Pati ba naman sa yosi? Napakadamot naman ng pinsan kong ito! Psh. Akala mo talaga hindi nakikaik ng chocolates ko. Lecheng Stanley.

"Pati ba naman sa yosi, pagdadamutan mo 'ko?", kunwaring inis kong tanong kay Stanley kaya natawa siya.

"Pinagbawalan ka ni Adrian mag-yosi." Sabi niya sabay ihip sa yosi at buga ng usok.

"Idadamay mo pa si Adrian dito, madamot ka lang talaga. Pinagdadamot mo na nga 'yong chocolates mo, pati ba naman yosi? Psh." At saka ko siya inirapan at nag-cross arms. Nagkunwaring naiinis. Pero hindi na yata ako magku-kunwaring naiinis dahil tinawanan lang ako ng pinsan kong abnormal.

"Wala ka bang nararamdaman sa katawan mo?", at napahinto ako sa pagkainis ko dahil sa tinanong niyang iyon.

Ano namang nararamdaman ko sa katawan ko? Bukod sa kaunting sakit ng tagiliran ko at doon sa ano ko. Doon sa ano ko. Alam niyo na 'yon.

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now