XXVII. ASH
"Ysabel-"
"Don't talk." kaagad na sabi ko upang putulin ang kung ano man ang gusto niyang sabihin.
Ayokong makinig sa kaniya. Ayokong pakinggan kung ano man ang sasabihin niya. Kung ano man ang nais niyang ipaliwanag sa akin. Kung ano man ang nais niyang sabihin patungkol doon. Doon sa malaking bahay na iyon. Kung anong meron doon.
Pakiramdam ko kasi ay tri-naydor niya ako.
Akala ko nag-walk out lang si Adrian dahil sa pagtatampo niya dahil kay Caleb at kay Johnny Depp. Ayon pala ay umalis talaga siya. At tumungo sa bahay na iyon. Teka ano nga bang meron doon? Bakit siya nandoon? At bakit parang ang bilis naman yata niya mapunta sa lugar na iyon?
Ayoko mang mag-conclude agad pero hindi ko maiwasang hindi isipin na baka tama ang hinala ko na may kinalaman si Adrian doon sa pamamaril sa bahay nila Caleb.
At hindi ko din maiwasang hindi isipin na baka konektado si Adrian sa kanila. Hindi naman imposible iyon diba? Posible iyon. Lalo pa at nakita ng dalawang mata ko na doon siya galing sa bahay na iyon. Siya iyong nasa pinto at nasa harap ko kanina.
Nakita kong sa bahay na iyon pumasok ang namaril sa bahay nila Caleb. Doon din galing si Adrian.
Kaya kanino ang bahay na iyon? Bakit doon pumasok iyong limang lalaki? At bakit doon galing si Adrian?
Hindi kasi pamilyar ang bahay na iyon sa akin. Sa katunayan ay ngayon ko lang napuntahan iyon kaya hindi ko alam kung kaninong bahay iyon.
Pero diba doon galing si Adrian kaya posibleng kilala niya ang may-ari ng bahay na iyon. Naiisip ko kung sino ang posibleng may-ari ng bahay na iyon. Hindi lang ako sigurado sa taong iyon. At kung malaman ko man na totoo iyon, alam kong hindi ko iyon magugustuhan. Hindi magugustuhan ni Kuya Travis iyon.
In-on ko ang music dito sa kotse ko upang mawala ang tensyon dito sa loob. Pabalik na kami doon sa bahay ni Caleb. At para din matuon ang isip ko sa music dahil naka-stuck kami ngayon sa traffic.
Bad trip naman oh. Ang daming puwedeng araw ang ma-traffic bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang kasama ko si Adrian?
I still burn for you
Like the sun burns in the sky
I still burn for youMabuti na lang at kay Avril Lavigne ang ipina-tugtog. Pero bakit naman ganiyang song? Nang-aasar ba kayo?
I still burn for you
My whole life I've been on fire
I still burn for youNang umusad naman ang traffic ay binilisan ko ang pagda-drive. Dahil gusto ko ng bumaba at umalis dito sa tabi ni Adrian.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa bagay na iyon. Malulungkot, maiinis, magagalit, maiiyak? Hindi ko na alam. But one thing is for sure.
I'm disappointed at Adrian. He is fucking betraying me.
Adrian is betraying me...
At hindi ko mawari kung papaanong magka-kakilala sila. O baka magka-kakilala na talaga silag from the very start, hindi ko lang alam. Ayoko nang isipin pa ang bagay na iyon. Masisiraan lang ako ng ulo. Let's just expect the unexpected.
YOU ARE READING
That Same Old Love | Completed
Roman pour AdolescentsPumayag ako na makipag-break siya sa akin. Dahil ayaw kong malaman niya kung ano talaga ako. At baka hindi niya magustuhan kung anong klaseng tao talaga ako. And because I wanted to protect him. Written Date: January 28, 2022 - April 1, 2024