That Same Old Battle

0 0 0
                                    

XI. ASH



Habang nagda-drive patungo sa kung saan si Stanley ay tahimik lang ang atmosphere.

Tama lang dahil naiinis ako hanggang ngayon dahil sa pagpapa-tugtog niya kanina ng sad song habang nage-emote ako.

It's not cool dude.

Mabuti na lang at hindi ako naiyak dahil sa ginawa ko. Dahil kung naiyak ako? Tiyak aasarin lang ako nitong si Stanley. Kapag naman ganoon ang ginawa niya. Malalasap niya ang ang sipa ni Mikey katulad doon sa Tokyo Revengers. Subukan lang niya.

"Where do you want to eat?", Napatingin naman ako kay Stanley at bumalik ang tingin sa harap.

"Kahit saan." Sagot ko na lamang. Kasabay niyon ay ang pag-tunog ng tiyan ko.

Nakalimutan kong gutom ako dahil sa lungkot, sakit at siyempre sa inis.

Tss. Nakakahiya kay Stanley.

"Kunwari hindi ko narinig yon." Rinig kong sabi niya kaya natawa ako. "Tumawa ka na, ibig sabihin hindi ka na puwedeng malungkot." At huminga ako ng malalim.

"Magiging okay din ang lahat Ysabel." At tumango ako.

"Sana nga Stanley... Dahil ang hirap niyang i-let go." Sagot ko.

"That's life. Mahal mo eh." And I smile at that thought.

Mahal ko eh...

Dumaan kami ni Stanley sa Jollibee drive thru. At umorder siya na para sa tatlong tao. At nang tanungin ko siya eh sa akin lang daw ito. Nagulat naman ako dahil ang dami niyang i-norder. Na tipong tatlong tao nga ang mabubusog. Pero sa akin lang daw ito.

Bakit? Bibitayin na ba ako mamaya?

This is what I like about Stanley. Abnormal man, caring naman siya. And he always on my side. Always. Just like ngayon, siya itong kasama kong nagwo-worry dahil hindi pa ako kumakain mula pa kaninang umaga. At no'ng makikipag-break ako kay Adrian. Hindi man niya sabihin na nagwo-worry siya, alam ko at nakikita ko iyon sa ginagawa niya. Tulad na lang nang siya ang mag-suggest na makipag-break na ako kay Adrian, na kaagad ko namang sinunod para protektahan si Adrian.

And look where are we now. Galit sa amin si Adrian after what we did.

"Hindi ka kasi kumain sa bahay kanina." Rinig kong sabi niya pero hindi siya pinansin dahil busy ako sa pag-kain ng fried chicken.

"At siguro kaya ka nahimatay dahil sa gutom." Rinig kong sabi niya ulit. "Bakit ba hindi ka kumain kanina?", Tanong niyang muli, uminom na muna ako ng i-norder niyang coke pag-tapos ay sumagot.

"May iniisip kasi ako." Sagot ko.

"Ano namang iniisip mo?", At tumigil ako sa pag-nguya.

"Iniisip ko kasi kung totoong nandoon si Adrian sa party kagabi." Sagot ko.

"Nasa party siya kagabi?", Gulat na tanong niya.

"Hindi ko nga alam eh. Right after ng pag-lalaro natin, bumaba na ako. Para magpa-tulong kay Kuya Travis na buhatin kayo at ilipat sa guest room." At humarap ako sa kaniya. "Kasi yong mga pinsan ko, tinu-logan ako." At natawa siya. "At nang makababa ako ay nakita ko si Kuya Travis, ayon nga with Adrian. Hindi niya pa siguro alam na break na kami. At no'ng makalapit ako sa kanila, Kuya Travis make me say hi to Adrian. And after that, ang tanging naalala ko lang ay yong sinabi kong mahal ko si Adrian."

That Same Old Love | CompletedWhere stories live. Discover now